Chapter 40

10.3K 188 148
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo







"Ayoko na..."

"Ako gusto ko pa."

"Tama na, please."

"Round five?"

"Ang sarap kasi."

"Patikim pa."

"Busog na ako."

"Since nasa mall na rin tayo, hide and seek? Ang mahuli, siya ang magbabayad lahat nang ito." Tumaas ang kilay ko. Maagap na nilaklak ni Drei ang laman ng baso tsaka nag-stretch ng mga kamay.

"Paano tayo magtatago, ano iiwan natin itong table? Scam ka ah, gusto mo lang tumakas." Si Nash na nakahawak sa tiyan dahil sa kabusugan. Napangisi naman ang kapatid nung isa.

"Si Ulan naman may-ari nitong resto, edi ibilin niya muna habang naghahanapan tayo." Actually, sasabihin ko sanang libre na lang ito dahil never naman akong nagpabayad sa mga loko pero dahil sa idea nila, mukhang kikita pa rin pala ako.

Ang dami kaya ng mga pinagkukuha nila, halatang malulugi itong resto ko eh hindi naman ako ang mamomroblema. Kawawa mga staffs at puhunan ng grandparents ko kung sakali.

"Magkano ba lahat, nasaan si kuya pogi?" Itinaas ni Clove ang kamay upang makuha ang atensyon ng waiter. Walang salita-salita ay inilahad nito ang pagkahaba-habang papel.

Napatikhim si Clove. "Ely, tingnan mo nga. Baka namamalikmata ako, ilang digit ang nakikita mo?" Agad namang kinuha ito ng isa at kinuskos pa ang mga talukap.

"Sorry, malabo mata ko. Kayo nga jan, check niyo." Nagkumpulan silang lahat.

Napaubo si Nash. "Colorblind yata ako." Gago ang isang ito. Kahit walang kulay iyan, makikita mo ang presyo dahil hindi naman rainbow ang ink.

"Akin na nga!" Hinablot ko iyon.

"Ulan."

"Oh?"

"Hiring ba kayo? Taga-hugas ng plato? Ah, alam ko na, taga-mop ng sahig? Hindi ako pwede sa kusina eh, taga-buhat ng mga upuan?" Ilang beses akong napakurap. Kinusot ko pa ang mga mata.

Wala na, bukas magsasara na kami.

Halos isang milyon?! Anong klaseng bibig iyan at napakarami nilang kinuha?!

Mula sa pagkakasandal sa upuan ay hinablot naman sa akin ni Khian ang papel.

"I'll pay. Huwag niyo nang pahirapan ang sarili niyo."

"Wow, rich!"

"MAYAMAN DIN NAMAN KAYO AYAW NIYO LANG GUMASTOS PURO NA LANG AKO!" Bulyaw ko sa kanila bago ibalik sa normal ang boses.

"Sigurado ka ba? Baka wala ka nang allowance niyan?"

"Tipirin niyo na lahat, huwag lang pagkain." Saad niya habang nagbubungkal sa bag. Mukhang nabunutan naman ng tinik ang mga palamunin.

"Ganito, ituloy natin yung hide and seek. Ang unang mahuli, maghahati sila ni Khian para hindi niya shoulder lahat."

"May hiya ka pa pala?" Ngumuso lang si Sen.

"Game!" Sabay sabay na sabi naming lahat. Mukhang in-game rin kasi ang aking dearest friend.

Nagmata-mataya kami at ang lalake namin ang as usual na taya. Dahil iiwan namin itong resto, pinakiusapan ko muna ang manager dahil kilala naman ako. Sabi ko babalikan na lang namin yung bayad. Convenience din pala talaga ang pagtatayo ng branch sa loob ng mall. Malawak ang pagtataguan namin.

Tsaka since sobrang mahal ng mga kinain namin, napag-isipan naming hindi muna tumae nang isang linggo.

Napunta ako sa clothing section. Sa totoo nga lang ay nasa 2nd floor yung resto pero nandito ako sa third floor BAHAHAHAHAHA layo.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon