I woke up feeling the heaviness on my head.
Sinubukan kong imulat ang mga mata upang makita kung nasaan ako. Doon ko lang natuklasan na bumalik na naman ako sa warehouse na pinanggalingan namin kanina. Iginalaw ko ang tingin patungo sa bintana. Madilim pa rin pala, marahil saglit lang ang naging tulog ko nang mawalan ako ng malay.
I'm about to stand up when I felt a tight grip on my feet and my hands. Nasa likod ang mga kamay ko at nakatali ako sa isang upuan. I'm being tied up, why?
Pinilit kong kalasin ito sa abot ng makakaya ko ngunit hindi ako nagwagi. Nakiramdam pa ako ng kaunti at mas kinabahan ako dahil may pares ng kamay pa akong nararamdaman. Sa likuran ko ay may taong nakatali rin. We're tied up back-to-back. Sino naman kaya siya?
"You up?" Tanong ng kung sino. Hindi agad ako makapagsalita.
"We were being kidnapped, do you know why?" She's a girl. Somehow, nakahinga ako ng maayos.
"Sino ka po ba? Bad person ka rin po?"
"If I were one of those bad people, I wouldn't be here as a hostage." Napatango ako kahit hindi niya nakikita. May punto siya.
"Ano pong pangalan niyo? Alam niyo po ba kung anong dahilan nila?" Mausisang tanong ko.
"Lower down your voice, they might hear you." Utos nito.
I can't see anything. Nasa likurang bahagi ng warehouse ang nakatapat sa akin habang siya naman ay nasa harapan kung saan madali niyang makikita ang pinto at mga taong maglalabas pasok.
"Bakit ba nila ginagawa ito? They are the reason why Manong Luigi and Manang Issa died. Masama silang lahat, they have a gun."
"Hindi ko rin alam, I was dragged here without any clue. They also killed my bodyguard." I gasped. Ang sasama nilang lahat.
"There's a man in front of me. You can't see him because you're facing the opposite side. May piring ang mga mata niya, that's what I saw when I woke up. Hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Do you know him?"
"Hindi ko alam, hindi ko makita."
"How about this. At the count of three, we will move side by side para 50/50 yung makita natin. I can't be the only one to witness this when there's two of us." Pumayag ako sa naging suhestyon nito.
Umusog kaming dalawa nang kaunti upang maging pantay ang pwesto namin. Ngayon nga ay nakikita ko na ang kaganapan sa harapan. I was shocked to see someone with bloody clothes. Tulad ng sabi niya, nakapiring nga ito at mukhang walang malay. I analyzed his face and build but that was an honest mistake because I recognized him.
My father.
I saw my dad being tied up also in a chair.
"Now you see? Do you know that man?" Wala sa sariling tumango ako. Parang gusto kong umiyak muli dahil sa kalagayan nito. He's beaten up so bad.
"Who is he?"
"Who are you?"
"I asked first, kilala mo ba siya?" I shake my head.
"I can't answer your question. Baka ikapahamak ko lalo't hindi po kita kilala." Naging isang linya ang mga kilay nito na animo'y naiinis sa isinagot ko.
She then chose to heave a sigh.
"Khian. I'm sure I'm older than you so dapat sigurong sagutin mo ang tanong ng nakakatanda sa iyo." Hindi naman kasi talaga siya mukhang nakakatakot, nag-iingat lang ako kaya ganun.
"I'm Rain..." I looked at the front again.
"And he's my daddy." Sabay kaming napatalon sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan. Nag-iwan iyon ng malakas na kalampag dahil gawa ito sa yero.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
