PROLOGUE

178 7 4
                                    

Unti-unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan kung saan ikakasal si Bree sa lalaking mahal niya na si Xaiden.


May ngiti sa labi na sinimulan niyang ihakbang ang kanyang mga paa.


Hindi niya mapigilan ang hindi mapaluha dahil tuluyan nang naganap ang kanyang pangarap.


Nakapulupot ang kanyang mga kamay sa magkabilang braso ng kanyang magulang. Dalawa itong naghahatid sa kanya sa altar ngayon.


Sabay na tinatahak ang daan patungong altar kung nasaan nakatayo ang lalaking makakasama niya habang buhay.


"Anak..."


Pasimple siyang sumilip sa kanyang ina habang may ngiti sa labi at pinanatili ang tingin niya sa unahan. Hindi siya kumibo pero alam na nito kung ano ang gagawin.


"Can you guarantee that you will be happy with him?" tanong nito na mahahalata ang pag-aalala.


Hindi siya kaagad nakakibo dahil sa tono ng boses nito. Sa magulang niya ay mas malapit siya sa ina dahil ito ang lagi niyang nakakasama nang wala pa si Sharalyn sa buhay nila.


Mas pinalaki niya ang ngiti sa kanyang labi at itinuon ang tingin sa unahan bago nagsalita.


"I will, mom" turan niya.


Ilang saglit pa ay narating na nila ang altar habang si Xaiden naman ay kapwa nagsimano sa kanyang mga magulang.


"Alagaan mo ang anak namin, Xaiden" ani ng kanyang ina.


Tanging pagtango lang ang nagawa ni Xaiden sa kanyang ina bago nito pinapulupot ang kanyang kamay sa braso nito.


Nang nasa harap na sila ng altar ay nagsimula nang umpisahan ang kanilang kasal.


Hindi mapalis ang ngiti sa labi niya sa buong seremonya ng kasal hanggang dumating na sa point na tatanungin na sila ng pari.


Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa pari habang tinatanong nito si Xaiden.


Ngunit unti-unti iyong nawala nang wala siyang marinig na sagot mula rito kaya napatingin siya rito.


Kitang-kita niya ang pagdadalawang-isip sa mukha nito ngunit tinatagan niya ang sarili at bahagyang hinila ang tela ng suot nitong coat.


"Xaiden" mahinang pagtawag niya rito dahilan para mapaharap ito sa kanya.


Puno ng pagtataka ang mga dumalo sa kasal nila. Mga nagtataka sa hindi nito pagsagot sa tanong ng pari.


Pinilit niya na ngumiti kahit na naiiyak na siya sa nangyayari.


"What's the matter, Xaiden?" puno ng kabang pagtatanong niya rito.


Mas lumaki ang kunot sa noo nito hanggang sa tumingin ito sa mga dumalo ng kasal nila. Sinundan niya ang tinitignan nito at alam niya kung kanino nakadako ang tingin nito.


Pasimple siyang napakuyom hanggang sa kunin niya ang atensyon nito at hinawakan ang dalawang kamay nito.


"Xaiden, please. Don't do this" pakikiusap niya rito nang sila lang ang makakarinig.


Saglit itong hindi kumibo hanggang sa salubungin nito ang tingin niya.


"I'm sorry but I can't marry you" saad nito na siyang nagpaguho ng mundo niya.


Hindi siya nakakibo nang tuluyang mawala sa mga palad niya ang kamay nito habang papalayo sa kanya.


Hindi na niya napansin pa ang mga nagkakagulong bisita sa simbahan dahil ang tanging malinaw lang sa mata niya ay ang likod nitong papalayo sa kanya.


Unti-unting nagdilim ang kanyang paningin at mahihinang sigaw mula sa mga bisita ang naririnig niya habang pabagsak ang kanyang katawan.


"XAIDENNN!"


Humahangos na napabangon si Bree dahil muli nanaman niyang napaginipan ang bagay na iyon.


Pinalibot niya ang tingin at unti-unti siyang huminga ng malalim nang makita ang anak na tila nagising sa pagsigaw niya.


"What's the matter, mommy?" tila inaantok pang tanong nito sa kanya.


Ngumiti siya rito at muli itong tinabihan sa pagtulog.


"It's nothing, baby. Sorry kung nagising kita. Matulog ka na ulit" malumanay na turan niya rito.


Hindi ito kumibo at niyakap lang siya ng mahigpit na siyang ginawa niya rin pabalik.


Unti-unting napalitan ng malungkot na ngiti ang labi niya. Ilang beses na siyang binabangungot ng panaginip na iyon ngunit wala siyang magawa.


Muli siyang napatingin sa anak na mahimbing nang natutulog sa kanyang mga bisig.


"I'm sorry kung kinakailangan mong pagdaanan ang ganito. I promise that you will never be like me" turan niya bago ito nilapatan ng halik sa noo at sinabayan ito sa pagtulog.




|| To be Continued... ||

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon