CHAPTER 35

29 1 0
                                    

Mahigpit na hawak ni Xaiden ang kamay ni Bree habang nakahiga ito sa hospital bed. Hindi pa rin ito nagigising kaya nag-aalala na siya.


"Please. Please. Please. Wake up, Bree... Please" paulit-ulit na sinasambit niya.


He was shocked when he saw her seizure. It was the first time she saw her like that.


Nang magkita sila ni Fourr na siyang doctor pala ni Bree ay duon niya nalaman ang lahat.


He's blaming his self. After what he did to her, she remained to keep it all on herself.


Pa'no nga ba naman nito sasabihin ang tungkol sa kalagayan nito kung hindi sila okay bilang mag-asawa.


Napaangat siya ng tingin nang maramdaman ang paggalaw ng kamay nito.


"Bree?"


Napatayo na siya nang muli itong gumalaw at tinitigan ito. "Bree? Can you hear me?"


Unti-unti nitong iminulat ang mga mata nito at agad iyong dumiretso sa kanya.


"X-Xaiden..." mahinang pagtawag nito sa pangalan niya.


Nangilid ang luha niya at agad itong hinalikan sa noo. "Finally, you're awake."


Pinindot niya ang button sa taas ng kama nito. "She's awake. Sayrah Bree Santillan is now awake."


Muli siyang tumingin sa asawa matapos ang pag-inform niya sa mga nurse.


"Do you want something? Water? Food? Anything?" he asked.


"Water" sagot naman nito.


Agad siyang kumuha ng tubig at bago pa niya ito painumin ay in-adjust niya ang uluhan ng kama nito para kahit papa'no ay magbend.


Kaunti lang ang ininom nito pero sapat na iyon para mabawasan ang pag-aalala niya sa nangyari rito.


"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?" pagtatanong niya ulit.


"Masakit lang ang ulo ko" sagot nito saka hinawakan ang ulo nito ngunit napatigil ito at tumingin sa kanya.


"Did they shave my hair?" she asked.


He nodded. "Yeah. They need to do it."


"Can I see myself?" she asked again.


"But..."


"It's fine. Naging handa na 'ko na mangyayari 'to. I just need to see myself" ani nito.


Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon