CHAPTER 10

59 5 1
                                    

Halos mahilo si Bree sa dami ng sinuka niya. Hindi pa nga siya nakakadalawang subo ng hinandang pagkain ni Xaiden ay sinuka niya na iyon kaagad.


Paglabas niya sa C.R ay napatigil siya nang makita ito na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakakrus ang mga kamay.


"You okay?" tanong nito at pinunasan ang pisngi niyang may bahid ng tubig mula sa gripo.


Napabuntong hininga siya bago naglakad patungo sa maliit na lamesa. "Yeah. I can't stop vomiting. It's so irritating."


Napapansin niya rin na mabilis uminit ang ulo niya. Mas dumoble pa ang ugali niyang pagiging mataray.


"Gan'yan talaga ang buntis. You need to endure it" ani nito.


"Until when?" iritableng sagot niya.


Wala siyang narinig mula rito pero agad siyang napatigil nang makita ang inilapag nito sa harapan niya.


"You know I can't eat this, right?" mataray na turan niya.


Ngumiti ito at tila natutuwa sa reaksyon niya.


"It's a cheat day. Alam kong nagke-crave ka 'jan" ani nito bago humiwalay sa kanya.


Hindi siya nakakibo at pinagmasdan ang vanilla ice cream na nasa harapan niya.


Napatingin siya rito nang bigla itong magsalita.


"Kainin mo na bago pa matunaw" ani nito habang inaayos ang suot na t-shirt.


Tsk! He and his body. Anang isang bahagi ng isip niya.


"You should do that in your own room" mataray na turan niya at pinagdiinan pa ang salitang 'own' .


Tanging mahinang pagtawa ang narinig niya rito.


Hindi nalang niya ito pinansin at inabala ang sarili sa pagkain. Kasal na rin sila at matatawag niya na ang sarili biling Mrs. Santillan.


Ngunit hindi niya akalain na ito mismo ang mag-aaya ng kasal lalo na at malaki ang galit nito sa kanya.


Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil matagal na rin simula nang makain niya ang ice cream na iyon.


Hindi mawala ang ngiti niya hanggang sa matapos siya kumain.


"Done?"


Tumango siya rito habang ibinalik nito sa tray ang mangkok.


"Check-up mo ngayon 'di ba?" tanong nito.


Tumango siya rito bilang sagot. "Why?"


"Samahan na kita. I took a day-off so I can come with you" ani nito.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon