CHAPTER 23

32 4 0
                                    

Lugmok ang mukha ni Xaiden at walang ayos sa sarili.


Mag-isang buwan nang hindi umuuwi sa kanila ang asawa at anak niya. Ilang beses niya na rin itong tinry na suyuin sa bahay ng magulang nito ngunit walang nangyari.


Magpahanggang ngayon ay masakit pa rin ang pisngi at labi niya mula sa suntok ng ama at kuya ni Bree.


Ni hindi siya lumaban dahil may karapatan naman ang mga ito na gawin iyon lalo na siya ang nagkamali.


"Haay! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh" ani Xyron na nasa opisina niya.


"'Wag mo muna ako guluhin, Xyron" walang buhay na turan niya.


Ilang araw na rin hindi maayos ang tulog niya sa kakaisip.


"Bakit hindi mo kasi sabihin na sinabi sa 'yo ni Selene na once kiss-san mo siya hindi na siya manggugulo pa?" ani pa nito.


"The hell! It's a lame excuse, Xyron" he said.


"Lame or not, do your part as her husband, Kuya. Walang mangyayari kung uunahin mo pride mo."


"Pride my ass. Sa tingin mo pinapagana ko 'yan ngayon?"


"Okay, okay" ani nito habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang problema kasi sa 'yo, kuya, hindi mo pa nga nasusubukan pinapangunahan mo na kaagad."


"What?" he asked.


"Advance ka mag-isip, eh. Hindi mo pa nga nagagawa 'yung sa tingin mo kaya mo namang gawin sumusuko ka na. Paano kayo magkakaayos kung hindi mo gawin ang nasa isip mo?" ani nito.


"Pa'no ko magagawa? Eh ayaw nga ako kausapin" ani niya. "Miss ko na rin si Caliste."


"Aba! Edi kung hindi madaan sa santong dasalan edi sa santong paspasan. Easy" suhestyon nito.


Hindi siya nakakibo sa sinabi nito at bigla nalang may pumasok na idea sa isip niya.


"Maski ako hindi makalapit sa kanila dahil pinagbabawal ng magulang niya ang makita sila" saad pa nito.


"Malamang, kapatid kita eh at kakambal pa. Malay ba nating napagkakamalan ka nilang ako" ani niya.


"Oo nga 'no. Dapat pala pinakita ko ID ko sa kanila para alam nilang hindi ako ikaw. Bakit kasi magkamukha tayo eh?"


"Gago ka ba?"


Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Hindi, eh. Xyron pangalan ko hindi Xaiden."


"Are you saying I'm a jerk?" he asked.


"Ikaw ang nagsabi nyan 'di ako" ani nito.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon