CHAPTER 18

44 4 0
                                    

Hindi malaman ni Xaiden kung ano ba ang gagawin niya. Naguguluhan na siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.


Napalingon siya sa pinto ng opisina niya nang may kumatok roon.


Napakunot siya nang noo nang makita doon si Dirk na kasalukuyang nakasandal sa nakabukas na niyang pinto.


"You should knock first before you open the door" he said.


"I did, pero mukhang malalim iniisip mo" sagot naman nito.


Napabuntong hininga nalang siya. "Anong kailangan mo?"


"Grabe. Gan'yan ka na ba mang-welcome sa kaibigan mo?" ani nito habang nakangisi.


"Matagal ka nang nakauwi kaya wala nang welcome. Nangbigla ka pa nga sa pag-uwi namin kay Caliste, hindi ba?" may inis na turan niya.


Tumawa naman ito na parang wala lang. "Kaya nga surprise eh. May surprise bang sinasabi sa gustong i-surprise."


"Thank you sa surprise, Dirk, at lahat kami nagulat lalo na sa girlfriend mo" ani niya.


Tumawa lang ito ulit. "Eto naman parang wala tayong pinagsamahan noon."


"Oo na. Oo na. Ano ba kasing kailangan mo?" pagtatanong niya ulit rito.


"Wala kasi 'yung asawa mo sa bahay niyo" sagot nito.


Agad na nangunot ang noo niya. "What?"


"Nagpunta ako du'n ngayon pero sabi ng katulong niyo umalis daw kasama si Caliste" ani nito.


Nag-isip siya ng pwede nitong puntahan. Alam niya naman na nakakakilos na ito lalo na ilang buwan na rin naman nakalipas nang makapanganak ito.


"Sa'n naman siya pupunta?" mahinang bulong niya sa sarili.


Kinuha niya ang cellphone niya at tinawag si Sinh. Nakuha niya ang number nito sa pinsan niyang si Sheedz. Kahit labag sa loob niya ay alam niyang ito ang pinagkakatiwalaan ni Bree.


"Who's this?" isang seryosong boses ang agad na bumungad sa kanya.


Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Alam mo ba kung nasaan si Bree?"


"Xaiden? Where did you get my number?" he asked.


"It's not important. Ang importante kung alam mo ba kung nasaan ang asawa ko?"


"Yeah, I did. Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo?" ani nito.


Hindi siya kaagad nakaimik at nagbuntong hininga.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon