CHAPTER 2

90 6 0
                                    

Hindi akalain ni Bree na sobrang bigat ni Xaiden na kasalukuyang inaalalayan niya patungo sa kwarto ng unit nito.


"Damn it! Napakabigat mo" maktol niya dahil bitbit niya ang bigat nito. "Iinom-inom tapos 'di naman pala kaya" dagdag pa niya.


Kahit hirap na hirap ay nagawa niya pa ring buksan ang pinto ng unit nito. Alam niya kung saan ito nakatira at kung ano pa na hindi nalalaman ng mga kaibigan nila.


"My gosh!" sikmal niya nang maibagsak ang katawan nito sa malaking kama sa kwarto nito.


"Vianna..."


Napatigil siya nang marinig ang ibinigkas nitong pangalan. Muli na naman siyang nasaktan nang dahil dito.


"Nandito naman ako bakit siya pa rin ang hinahanap mo?" nakaiwas ang tingin na bulong niya.


Sa inis niya ang nagtungo siya sa kusina ng condo nito at kumuha ng shot glass at isang wine.


Pagbalik niya ay nakaupo na ito sa dulo ng kama at nakahawak sa ulo nito. Panigurado ay kahit papano ay nawala ang tama nito dahil nakatulog ito sa kotse.


"Already awake?" ani niya habang nagsasalin ng alak sa dalawang shot glass.


"Yes, so leave right away. I know how to care for myself" walang gana na turan nito.


Bahagya siyang tumawa at iniabot ang isang shot glass dito. "Just one drink then I'll leave."


Tinignan siya nito bago kinuha ang shot glass at inisang lagok iyon. Sumilay ang ngisi sa labi niya nang makitang inubos nito ang iniabot niya.


"Okay, I'll leave now. Pagamit lang saglit ng C.R" litanya niya.


Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito dahil tinungo na niya ang C.R ng kwarto nito. Tinignan niya ang sarili sa salamin at kita ang ngisi sa labi niya.


Nilagyan niya ng gamot ang wine nito na sa oras na mainom iyon ay mag-iinit ang katawan nito.


"You can't escape from me, Xaiden" ani niya saka tinanggal ang dalawang butones ng suot niyang white polo.


Lumitaw ang cleavage ng dibdib niya at wala siyang kinakahiya dahil may ipagyayabang naman siya. Tinanggal niya rin ang suot na palda at ang heels niya.


Tanging suot niya nalang ay white polo saka undergarments niya. Kahit tignan niya ang sarili sa salamin ay walang makakahindi sa alindog niya.


Lumabas siya ng C.R at nakita niya ito na tila init na init sa sarili kahit na napakalakas na ng aircon sa kwarto nito.


Nakatanggal na ang t-shirt na suot nito kanina at tanging boxer nalang ang suot nito.


Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon