CHAPTER 28

28 2 0
                                    

"Bree..." pagbigkas ni Xaiden sa pangalan ng asawa na halatang nabigla rin.


Maging siya ay nabigla nang makita ang kanyang mga magulang sa tapat ng pinto niya. Pinapasok niya nalang din ang mga ito lalo na at nandoon na rin naman ang mga ito.


Lumapit siya kay Bree at iginiya ito sa isa pang sofa saka siya naupo sa tabi nito.


Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito at nakita niya sa gilid ng mga mata niyaang paglingon nito sa kanya.


I hope everything will be fine. He thought.


Dahil sa katahimikan na namamayani sa kanilang apat ay nagpasya siyang magsalita na.


"Paano niyo nalaman na nandito kami ng pamilya ko?" tanong niya sa kanyang mga magulang.


Nakatindig pa rin ang kanyang mga magulang at tila balewala ang seryosong presensya na ipinapakita niya sa mga ito.


"I know everything, son" his mother said.


It's been years when they last saw each other. After he confront his mother, he never visited them.


Wala rin siyang naging balita sa mga ito dahil hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para makumbunsi ang mga ito. Alam niya kasi na wala ding mangyayari kung gagawin niya 'yon.


Maging ang kapatid niyang si Xyron ay walang naging balita. Ni hindi rin nila napag-uusapan ang mga magulang niya kaya naninibago siya na nasa harapan na niya ang mga ito.


Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Bree sa kamay niya at nakita niya na nakatingin pala ang ina niya rito.


"Anong kailangan niyo sa 'min ng asawa ko?" muling pagtatanong niya.


"Sayrah Bree Lopez, right?" his mother said, not even bothered to answer his question.


"Nope..." Bree said.


Napalingon siya kay Bree dahil sa sinabi nito pero tulad niya ay seryoso rin ang mukha nito at matapang na sinasalubong ang tingin ng kanyang ina.


"Then who are you?" his mother asked once again.


"I am Sayrah Bree Santillan. I am married to my husband Xaiden Jones Santillan" Bree seriously said.


Napatingin siya sa ina nang pagak itong mapatawa. "Santillan? Who are you to use our surname?"


"Who I am?" Bree asked back then smirked. "I am your son's wife and the mother of his child."


"My son's wife, huh" his mother said.


"If you came here to ruin our day then please leave. We are here to enjoy not to have trouble with you" he said.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon