Kapwa nakaupo sa sopa sina Bree at magulang niya habang si Xaiden naman ay kausap ang magulang nito sa cellphone.
Kinakabahan siya sa kung ano ang pwedeng mangyari. Baka magkagulo lang ang magulang nila sa oras na magkita ang mga ito.
"Nasaan na sila, Xaiden?" Tanong ng ama niya kay Xaiden nang matapos nitong kausapin ang magulang nito.
"They're already here" she said.
Sakto namang nakarinig sila ng ugong ng sasakyan. Mabilis iyong naipasok dahil nasabihan na ng ama niya ang guard na may darating sa bahay nila.
Mas lalong nanlamig ang buong katawan niya sa isiping nakarating na ang magulang nito.
Hindi siya nag-angat ng tingin nang bumukas ang pinto. Hindi niya alam pero bigla siyang nahiyang humarap sa mga ito.
Kilala siya ng mga ito dahil minsan na siyang nakapunta sa bahay ng mga ito.
"Sorry we're late" ani ama ni Xaiden.
Nanatili siyang nakayuko hanggang sa may maramdaman siyang humawak sa balikat niya.
"Relax. I'm here" ani ng kuya niya na mukhang kasabayan lang na dumating ng magulang ni Xaiden.
"Seems like our child did something para papuntahin niyo kami rito" ani ama ni Xaiden na kauupo lang. "By the way, I'm Douglas and this is my wife Ashley."
"Did my son get your daughter pregnant?" walang anu-ano na turan ng ina ni Xaiden.
"Mom..." ani Xaiden na halatang may takot din sa ina.
"You're right. Binuntis ng anak niyo ang anak ko" matapang na sagot din ng ama niya.
Alam niya naman na hindi ganoon na magkasundo ang mga magulang nila dahil na rin sa negosyo kaya abot langit ang kaba niya nang maghaharap ang mga ito.
"Is it my son's fault?" muling turan ng ina ni Xaiden.
Sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya sa ina ni Xaiden na nakatingin rin pala sa kanya.
"Anong gusto mong palabasin rito?" sabat naman ng ina niya na halatang hindi nagustuhan ang sinabi nito.
Pagak na tumawa si Ashley. "You didn't know yet you call us here."
"Sinasabi mo bang kasalanan ng anak ko na nabuntis siya ng anak niyo?" giit pa ng ina niya.
"Bakit hindi niyo tanungin ang anak niyo?" nanghahamon na turan ni Ashley.
Napatingin siya sa magulang niya na kapwa nakatingin din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...