CHAPTER 34

23 1 0
                                    

Panay ang tingin ni Xaiden sa asawang si Bree dahil tila hindi maganda ang pakiramdam nito.


Napapansin niya rin na madalas itong mag-aya na lumabas silang tatlo ni Caliste at pumunta kung saan-saan. Madalas din na umaalis itong mag-isa at hindi niya ito magawang tanungin dahil ayaw niyang isipin nito na pinagdududahan niya ito.


Kasalukuyan sila nasa family gathering event na plinano ng kanyang mga magulang para maipakilala ang asawa at anak niya. Maging mga magulang at kapatid ni Bree ay imbitado.


"Hey, brother."


Napalingon siya kay Xyron at kasama nito ang girlfriend nito.


"Hey" he said and smile at both of them.


"Buti naman at nagka-ayos na si tita at ate Bree" nakangiting turan ng girlfriend ni Xyron.


"Kaya nga eh dahil kung hindi paniguradong walang ganitong ganapan na mangyayari" sabat naman ng kapatid niya.


Napatawa nalang siya at napailing-iling. "Kahit kailan talaga ibang-iba ka sa akin."


"Aba, syempre! Magkamukha lang tayo pero magkaiba pa rin tayo" turan ng kapatid niya.


"Oo na... Oo na..." tanging nasabi niya.


"Did you see Sheedz?" his brother suddenly asked.


He shook his head. "No. Nandito ba siya? Sa pagkakaalam ko never 'yun nagpunta sa ganitong event."


"Pero it's a family gathering. Automatic dapat na nandito siya" ani Xyron.


"Well, you have a good point naman dyan kuya pero malay natin baka busy siya. Nandito rin naman si tita" ani pa nito.


Napapansin niya nga na wala si Sheedz pero ang ina nito ang um-attend. Lahat din ng kamag-anak nila ay nakadalo at tanging ito lang ang hindi.


"By the way, nakita ko rin pala si Shara kanina kasama asawa niya" ani Xyron na mukhang kanina pa naglilibot sa buong event.


"'Di ka rin updated, ano?" ani niya.


Tumawa ito maging ang girlfriend nito.


"Nako, kuya, kung alam mo lang kung paano niya kausapin lahat ng nandito" ani ng girlfriend nito.


"Hindi naman lahat" pagtanggol ni Xyron sa sarili.


"Hay nako, kilala kita Xyron. Alam kong napakaingay mo at hindi ka makuntento sa isang tabi" ani niya at natutuwa siya na inaasar niya ito.


"Hindi ah. Kuntento na nga 'ko sa girlfriend ko eh" nakangising turan niya.


"The fuck" he said.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon