CHAPTER 4

70 3 0
                                    

Ilang araw nang iniinda ni Bree ang pananakit ng puson niya ngunit hindi naman siya nagkakaroon.


"You okay?"


Napalingon siya sa ama na kasama niya sa meeting.


She nodded. "Yeah. I'm fine."


Hindi siya makapagpokus ng husto sa meeting nila lalo na at siya ang Vice President ng kumpanya ng ama niya.


Kahit sa pagmomodelo sa Dixon International Modeling Agency ay hindi siya makapagfocus.


"Are you sure you're okay?" her father asked again.


She smiled at him then nodded.


Ayaw niyang mag-alala ang ama niya sa kaniya lalo na at hindi siya nauwi sa bahay ng magulang niya. Madalas kasi siyang nakastay sa unit niya.


Nang matapos ang meeting ay agad siyang tumayo at nagtungo sa banyo para sumuka.


Nakarinig siya ng katok sa pinto at narinig ang boses ng ama.


"Maayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong nito.


"Yeah. Okay lang ako" may kalakasang sagot niya para marinig siya nito.


Wala naman na siyang narinig kaya pagkatapos magmumog ay lumabas na siya. Pero nagulat siya nang makita ang ama na naghihitay sa kanya.


"Sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" nag-aalalang turan nito.


Ngumiti siya rito at lumapit. "No need na, dad. Sa nakain ko lang siguro kaninang umaga. 'Yun lang naman ang isinuka ko eh."


Napabuntong hininga ito at bakas pa rin ang pag-aalala. "What about returning home? Your mother keeps on asking me kung kailan ka ba uuwi."


Napangiti siya at niyakap ito. "Don't worry, dad, I am doing fine. And I am not young anymore."


Muli itong napabuntong hininga at napatango nalang. Alam kasi nito na hindi siya nito mapipilit pa.


"Tell mom not to worry about anything. She didn't choose the name Bree for nothing" she said while smiling.


Napatawa ito dahil sa sinabi niya saka tumango.


"Okay. I'll tell her" he said then pick up his coat. "Be sure na inaalagaan mo sarili mo" dagdag pa nito.


"I will" she said then he left.


Naiwan nalang siyang mag-isa sa conference room kaya napagdesisyunan niya nang magtungo sa opisina niya.


Nang makapasok siya sa opisina niya ay nagtungo siya sa upuan niya at sumandal roon. Palaisipan din sa kanya ang mga nangyayari sa kanya.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon