CHAPTER 16

47 4 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas nang makalabas sa ospital si Bree pero ang anak niya ay nanatili sa ospital.


"How is she?" She asked the nurse.


"Umo-okay na ang lagay niya. Anytime pwede na siyang mailabas. Kailangan lang ng approval ng doctor niya" sagot naman ng nurse sa kanya.


Napatango nalang siya at napatingin sa anak na naka-incubator pa rin pero nawala na ang ilang monitor na nakakabit rito.


"She will be fine" Sharalyn said who came along with her.


Kahit papaano ay iniinda niya pa rin ang sakit mula sa tahi niya ngunit hindi niya kaya na hindi nasisilayan ang anak niya.


Caliste Briella ang ipinangalan niya rito at napakaganda n'yon sa pandinig niya.


"Kumusta na pala kayo ni Xaiden?" pagtatanong ng kapatid niya sa kanya.


Hindi siya kaagad nakasagot dahil paano niya sasabihin rito na lagi itong umaalis.


"Bree?" pukaw nito sa kanya nang walang sagot na marinig mula sa kanya.


Napabuntong hininga siya. "We're fine. Like the usual."


Hindi na siya nakarinig pa ng sagot rito. Tila naramdaman nito ang pagbabago ng emosyon niya.


"Do you want to eat? Ibibili kita ng pagkaing gusto mo" her sister asked her.


"Anything is fine" she said.


Tumango ito bago siya iniwan para bumili ng pagkain. Pumasok siya sa loob para matignan niya ng malapitan ang anak niya.


Kahit papaano ay nagkakaroon ng improvement ang lagay nito at anytime ay pwede na itong makalabas.


Ipinasok niya ang kamay niya at hinaplos ang maliit nitong kamay.


Mabilis nitong hinawakan ang daliri niya na tila duon kumakapit at kumukuha ng lakas.


"Mommy's here. Kailangan mong magpalakas para makasama na kita. Hinihintay ka na namin kaya magpalakas ka pa lalo" turan niya.


Napapangiti nalang siya tuwing nagre-respond ang anak niya sa simpleng paghawak sa daliri niya.


"You know what, Caliste? Hindi ko naisip na darating ka sa buhay ko. I was too inlove with your father that I even do such a thing to make him mine. But when I found out that I'm pregant, I was scared. Natakot ako kung paano kita palalakihin.


"God is too good for me. I even tried to kill you before but he really gave you to be my savior. Thank you, Caliste. Please be strong like how strong you are when you were inside me" she said.


"She will."


Gulat na napalingon siya sa likuran niya at nakita roon si Xaiden na mukhang kanina pa naroon.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon