Humugot ng malalim na hininga si Bree habang nasa unit ni Xaiden na nagtataka kung bakit siya naroon.
"Xaiden..." pagtawag niya rito na nakaupo lang sa sopa ng condo unit nito, "buntis ako" dugtong niya.
Nakita niya ang pagkakatulos nito dahil sa sinabi niya.
"You're what!?" sigaw nito na napatayo pa sa kinauupuan nito.
"I'm pregnant, Xaiden. Magiging ama ka na" may excitement na turan niya dahil mabibigyan niya na ito ng anak.
"No. I'm not the father of that child" he said through greeted teeth.
Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig. "Ano? Ikaw ang ama nito, Xaiden. Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa atin? Nagbunga ang ginawa natin."
"It because you drugged me, Bree! Kung hindi mo ginawa 'yon malamang na walang nangyari sa atin. Ang hirap kasi sa 'yo, ginagamit mo ang katawan mo para makuha lang ang gusto mo!" singhal nito dahil sa galit na nararamdaman.
Natigilan siya dahil nasaktan siya sa sinabi nito. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya 'to.
"Xaiden, hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang ang magiging anak natin?" Pakiusap niya rito sa mababang tono ng boses.
Pilit niyang pinapakalma ang sarili.
Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya ng marahas itong umiling.
"Hindi ko tatanggapin ang batang 'yan dahil hindi ko naman ginusto na magbunga ang ginawa natin. Alam mo naman na mahal ko si Vianna noon pa man" litanya nito.
Napakuyom siya ng kamao nang marinig ang pangalan ng babaeng mahal nito.
"Matagal nang ikinasal si Vianna kay Michael, Xaiden. Hanggang ngayon siya pa rin ba ang mahal mo?"
"Oo. Siya lang ang mamahalin ko hanggang mamatay ako."
"Paano kami ng anak mo!?" May galit na turan niya at hindi naman ito sumagot. "Iniisip mo ba kung ano ang magiging buhay ng anak mo kapag wala siyang ama?"
Napapikit ito ng mariin at huminga ng malalim.
"Sabi na nga ba na paiikutin mo 'ko sa mga kamay mo tulad ng dati mong ginagawa" ani nito.
"Hindi na ako tulad ng dati, Xaiden."
"Then why did you do this!?"
Napapitlag siya sa pagsigaw nito at kita niya ang talim ng titig nito sa kanya.
Nagsimula nang mamasa ang mata niya dahil halo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya. Galit. Selos. Hiya. Stress at marami pang iba.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...