CHAPTER 13

37 3 1
                                    

Umagang-umaga ay nakakunot ang noo ni Xaiden.


Hindi niya alam pero naaasar siya sa mga taong lumalapit kay Bree at tila natutuwa pa ito.


Patuloy pa rin itong pumapasok ay Vice President ng kumpanya ng ama nito.


"Ang aga pero 'yung mukha mo pang byernes santo" ani Joseph.


He sighed. "Just leave if you came here to pester me."


Narinig niya ang pagtawa nito. "Chill, man. Masyado namang mainit ang ulo mo."


"Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Tanong sa kanya ni Kelvin.


Napatigil ang kamay niya sa pagta-type nang dahil sa tanong na iyon.


"Kaya naman pala" ani Joseph na tila nakuha na ang sagot.


Napabuntong hininga nalang siya saka itiniklop ang laptop niya at sumandal sa inuupuan niya.


"Ano namang pinag-awayan niyo?" ani Kelvin.


"Nothing" mabilis na sagot niya.


"Ehh?!" reaksyon ni Joseph sa sagot niya.


Muli siyang napabuntong hininga. "Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang daming lumalapit kay Bree."


Natahimik ang dalawa niyang kaibigan hanggang sa marinig niya ang pagtawa ng mga ito.


"Why are you laughing?" he asked.


"Don't tell me nagseselos ka?" ani Kelvin.


"The hell!" he said.


"Dude, you married a gorgeous woman and not to mention she's the well-known businesswoman and a model too. Ang dami kayang nagkakandarapa sa asawa mo" litanya ni Joseph.


"Like you?" a sudden words came out from his mouth.


Halata naman na nagulat ang kaibigan niya sa tinuran niya.


Umiling siya. "Don't mind it."


Napailing nalang din ang mga ito at sakto naman na bumukas ang pinto.


"Hey, brother. What's up?" ani Xyron na siyang bagong dating.


"Ayun nagseselos" ani Kelvin na tumatawa pa.


"Hindi ako nagseselos" madiing turan niya.


"Nagseselos? Kanino naman?" tanong ng kambal niya.


"Wala 'yon" sagot niya nalang habang ang dalawa niyang kaibigan ay tumatawa.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon