"What the hell?! Is this true, Bree?"
Napabuntong hininga nalang si Bree sa reaksyon ng kapatid niyang si Matthew.
"It's true, kuya" she said.
"But why? I mean, nagagawa mo naman lahat ng travaho mo. Hindi ka rin naman na ganoon ka-busy pagdating kay Caliste, so why?" ani pa nito.
Napakamot nalang siya sa batok niya dahil sa pagtatanong ng kapatid.
"May nangyari ba na hindi ko alam?" dagdag tanong pa nito. "Hindi ikaw 'yung tipong bigla nalang magreresign ng walang valid reason."
She sighed. "There's nothing wrong, kuya. I just need to focus on Caliste. She was born premature. I want to make sure that she's okay."
"She's okay, Bree. Every month you visited the hospital, the doctor said that she's perfectly fine" her brother insisted.
"Just accept my resignation, kuya. Mas gusto ko lang na makasama lagi ang anak ko... and Xaiden is not against to it since sa umpisa palang ay ayaw na niya akong magwork" pagdadahilan niya.
Napabuntong hininga ito ng malalim at napahilot sa sintido nito.
"Think about it, Bree. You know that this company will soon to be yours" her brother reminds her.
Totoong ang kapatid na si Matthew ang namamahal sa dating kumpanya ng ama nila pero siya ang susunod na magmamana n'yon lalo na at wala naman talagang interest ang kuya niya sa negosyo.
Napilitan lang ito na tanggapin ang desisyon ng ama nila dahil hindi pa siya handa ng mga oras na 'yon dahil naging rebelde siya.
"Kuya..."
"I understand that you want to focus on Caliste but this company is yours to begin with. I'll just give you a year to rest just don't resign" he said.
Napabuntong hininga nalang siya at hindi na nakipagtalo pa sa kapatid. Alam niya kasi na wala ring mangyayari kung mag-aaway lang sila.
If he knew what's the reason is, I know he would do everything. She thought.
"Aalis na 'ko, kuya" pagpapaalam niya rito na tinanguhan naman nito.
Nang makalabas sa mismong building na iyon ay nilingon niya iyon at tinitigan ng mabuti ang building.
"This will never be mine anymore, kuya. Maybe Sharalyn will inherit the company once I'm gone" she said.
Tumalikod na siya at sumakay sa kotse niya. Hindi siya agad dumiretso sa bahay nila kundi pinuntahan niya ang mga lugar na mayroon silang masasayang ala-ala ng kanyang pamilya.
Tumigil siya sa isang park at napatingin sa magpamilya na masayang nagtatawanan.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...