CHAPTER 3

88 4 0
                                    

Tila ba tamad na tamad si Bree kumilos nitong mga nakaraang araw.


Ilang beses na rin siyang inaya ng mga kaibigan niya pero hinindian niya ang lahat ng mga ito.


Lagi din siyang stress sa trabaho at mainit ang dugo niya sa lahat.


For the first time in her life, tinamad siyang puntahan at guluhin si Xaiden sa mga lugar na pinupuntahan nito.


What a big surprise, right? Siya na tipong kakaladkarin lahat para samahan siya kung nasaan si Xaiden ay bigla nalang nawalan ng gana.


Hindi niya pinansin ang katok na narinig mula sa pinto ng office niya at hinayaan itong makapasok.


"Bree?" Tila nag-aalinlangang turan ng bagong dating.


"Yes?" Tanging tamad na sagot niya habang binabasa ang hindi niya namang maintindihan na report galing sa accounting department.


"You okay?"


Napaangat siya ng tingin at nakita si Sharalyn na puno ng pag-aalala.


"Sorry. What is it?" Tanong niya rito.


"Gusto ni mom at dad na pumunta ka sa bahay nila. They've been missing you since last month" ani nito.


Last month pa siya hindi nauwi sa kanila matapos ng nangyari sa kanila ni Xaiden.


Malay ba niya na magsumbong si Xaiden sa mga ito dahil sa ginawa niya.


"I'll try" tanging sagot niya.


Napabuntong hininga ito. "Wag mong stress-sin ang sarili mo, Bree. This past few days nababalitaan namin na marami kang napapagalitan na employees."


"I'm just teaching them the right thing to do. We didn't employ them to destroy our family business" turan niya at tiniklop ang ginagawa niya.


"I'll take a leave first. I really want to sleep right now. I'm sorry. Tell them I'll try to see them later" ani niya saka nagpaalam rito.


Hinilot niya pa ang batok niya at nang makalabas ng building ay minabuti niya nalang na sumakay sa service car ng company nila saka nagpadala sa apartment niya.


Nang makarating ay mabilis niyang inihiga ang katawan niya sa kama. Niyakap niya pa ang isang unan na talagang nagbigay sa kanya ng kumportableng pagtulog.


Nagising nalang siya sa ingay na naririnig niya mula sa kwarto niya.


Who the hell is trying to disturb my sleep? Naituran niya nalang sa kanyang isipan.


Ngunit agad din siyang napadilat nang mapagtanto na walang pwedeng makaalam ng code niya.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon