CHAPTER 30

21 2 0
                                    

Galit na ipinukpok ni Xaiden ang dalawang kamay sa lamesa niya.


"What the hell are you doing here, Selene?" he asked through greeted teeth.


Ngumisi ito at lumapit sa kanya saka ipinulupot ang mga kamay sa braso niya.


"Hindi mo ba 'ko namiss?" ani nito.


Galit na kinuha niya ang braso niya rito at dumistansya. Nagkakagulo na silang mag-asawa dahil sa ginawa nito ay tila masaya pa ito.


"Pwede ba, Selene, layuan mo na kami ng pamilya ko. Ano pa bang gusto mo, ha?! Hindi ba ginawa ko na ang gusto mo?" asik niya rito.


"I want you, Xaiden. Hiwalayan mo ang asawa mo para makapagpakasal na tayo" turan pa nito.


Napakunot ang noo niya sa inis. "Nahihibang ka na ba? Sino ka ba para ipagpalit ko sa asawa ko?"


Kitang-kita niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito. Naging galit ang tingin nito sa kanya.


"How dare you? I was there when she cheated on you" she said.


"Kahit kailan hindi nagloko sa 'kin ang asawa ko, Selene. Kung nu'ng una napaikot mo 'ko na may relasyon ang asawa ko at si Sinh, ngayon hindi na. Nagising na 'ko sa mga kalokohan mo.


"Kung wala lang ang magulang mo ng araw na 'yon hindi kami magkakagulo ng asawa ko. I choose to be polite around your parents but you already crossed the line. Sa tingin mo ba talaga magagawa kong ipagpalit ang asawa ko para lang sa 'yo?" litanya niya pa.


"You..."


"Hindi, Selene. Hinding-hindi mangyayari 'yon" ani niya habang umiiling. "Kung nambabae man ako dahil 'yon sa pangloloko mo. Pinaniwala mo 'ko na nagloko sa 'kin ang asawa ko. Pinaniwala mo 'ko sa isang kasinungalingan" dagdag pa niya.


"I did it for you. For us, Xaiden" she said while trying to come close to him.


"Us?" nakakunot ang noong tanong niya rito. "Walang tayo, Selene... at kahit kailan walang magiging tayo. Gumising ka na sa ilusyon mo" dagdag pa niya.


"B-but—"


"Leave him alone if you want me to spare your life."


Parehas silang napalingon si Selene kay Sheedz na mukhang kanina pa nakikinig sa kanila. Nakasandal ito sa nakabukas nang pinto ng opisina niya.


"And who are you to—"


"Don't make me repeat my words, lady. Do you want me to ruin your career?" Sheedz coldly said. "I can do it in just a snap."


Kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Selene at galit na umalis. Napabuntong hininga nalang siya nang sila nalang ni Sheedz ang naiwan.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon