CHAPTER 17

40 3 0
                                    

Weeks passed and Bree saw how Xaiden taking a good care to their baby Caliste.


Kada uuwi ito galing trabaho ay inuuna nitong puntahan ang anak nila at bubuhatin ito kahit na natutulog pa ngunit hindi nito iyon ginigising.


Gusto lang nitong maramdaman ang anak nila sa tuwing uuwi ito katulad na lamang ngayon na karga-karga nito ang anak nila.


"What did the doctor said?" he asked while looking at Caliste.


"Recommended niya sakin na breastfeed pero since mahina ang daloy ng gatas ko suggestion niya na magpump ako at the same time i-formula si baby so she won't be hungry" paliwanag niya.


Napatango-tango naman ito. Kahit ano kasing paraan ay ginawa na niya para lumakas ang gatas niya pero walang nangyayari.


"Did she say what brand should we buy?" he asked again. "I guess it's better to buy the expensive one para hindi tayo magworry na gawa-gawa lang ang gatas na iinumin ni Caliste. We should be wary about what milk she should drink so she will stay healthy."


"If that's what you want" she said.


Sa kwarto niya natutulog ang anak nila lalo na at hindi naman sila nagsasama ni Xaiden sa iisang kwarto. Hindi rin naman kakayanin ni Xaiden kung kasama nito matulog ang anak nila.


"Dapat natutulog ka na" ani nito at tumingin sa orasan. "Anong oras na dapat nagpapahinga ka na."


"I just... can't sleep" she said in a low voice.


Alam niyang narinig nito ang sinabi niya pero hindi ito nagreact.


"Bababa muna ako" kalaunan ay turan niya.


Hindi naman na niya hinintay ang sagot nito at agad na lumabas ng kwarto niya.


Hindi niya alam pero para bang hindi na nagiging kumportable ang tibok ng puso niya tuwing malapit ito sa kanya.


Kahit papaano ay nakakaya na niya ang makapaglakad sa kabila ng tahi niya. Dahan-dahan nga lang ang bawat kilos niya.


Ni hindi na rin siya nagtaka na nagpakabit ng mabilisang maliit na elevator si Xaiden sa loob ng bahay nila.


He just said that she needs it.


Saktong paglabas niya sa elevator ay tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya kaagad ang tawag nang makitang si Sinh iyon.


"Hello, Sinh?"


"Hey, can I come in?"


Nangunot ang noo niya sa sinabi nito kaya tumingin siya sa bintana at nakita niya ito sa tapat ng gate.


"Therese..." pagtawag niya sa isang katulong nila na agad naming nakalapit. "Open the gate."


Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon