"Come in" ani Xaiden nang buksan niya ang pinto ng bahay niya.
Ito ang bahay na binigay sa kanya ng ama niya bilang regalo at hindi niya akalain na magagamit niya ang bahay na iyon.
Nang makapasok ito ay pumasok na rin siya habang bitbit ang mga gamit nito.
Nang makalabas ito sa ospital ay agad na inihanda ng magulang nito ang mga dadalin nito.
Noong una ay tutol pa ito pero wala din itong nagawa.
"May mga naglilinis sa bahay na 'to every week pero since dito na tayo titira naghire ako ng mga katulong" ani niya habang nilalapag ang ilang bagahe nito.
Nang humarap siya rito ay nakita niya itong palinga-linga sa buong bahay. Tila tinitignan nito ang bawat sulok ng bahay niya.
"Bree" pagpukaw niya sa atensyon nito na siyang kinaharap nito sa kanya.
"Sorry" tanging sinabi nito habang nakahawak sa strap ng sling bag nito.
Hindi siya kumibo pero napapansin niya na tila may nagbago rito.
Hindi na ito 'yung babaeng pabalang sumagot, para bang bagong Bree ang kausap niya.
Napabuntong hininga nalang siya at hindi pinansin ang nakikita niya.
"You have to rest now. Dalhan nalang kita ng pagkain mo para mainom mo na ang mga gamot mo. Mamaya pa kasi darating 'yung mga katulong" paliwanag niya.
"Okay" tanging sagot nito.
Hindi niya nalang pinansin ang maiikling sagot nito sa kanya at saka binuhat ang dalawang maleta nito paakyat sa kwarto nito.
Isusunod niya nalang ang ibang gamit nito lalo na hindi niya kayang bitbitin lahat.
"Ito ang magiging kwarto mo" ani niya nang buksan ang isang kwarto na katabi lang ng kanya.
Pumasok ito kaya sumunod rin siya hila-hila ang maleta nito.
"Pinaayos ko kaagad ang magiging kwarto mo. Kung may gusto kang baguhin o palitan just tell me. I'll change it" he said.
"It's fine. Hindi naman ako maarte pagdating sa ganitong bagay" walang buhay na sagot nito.
"Okay. If that so" tanging nasagot niya.
Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa. Napansin niya na umiiwas ito ng tingin sa kanya mula pa kanina.
"Magluluto na 'ko. Magpahinga ka muna" ani niya.
Hindi na niya nahintay ang sagot nito at umalis nalang.
Naghanda siya ng pagkain nito at iniakyat sa kwarto nito pero naabutan niya na itong tulog.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...