EPILOGUE

36 2 0
                                    

It's been 2 months.


2 months ang inilaan ni Xaiden para sa kasal nilang dalawa ni Bree. Tinulungan na rin siya ng kanyang mga magulang dahil napapansin ng mga ito na wala siyang maayos na tulog.


Wala ding araw na hindi siya nagbabantay kay Bree, may pagkakataon rin na kasama si Caliste at masayang nakikipagkwentuhan sa kanila.


Sa mga nakalipas na buwan ay kitang-kita niya ang pagbagsak ng katawan nito. Ang dating malusog nitong katawan ay unti-unting nawala. Hindi na rin ito makatayo o makapaglakad man lang.


Nasasaktan siya para rito at hindi mawala sa isip niya kung ano ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.


Nangangamba siya. Natatakot. Ngunit kailangan niyang magpakatatag at maging positive sa lahat ng bagay para hindi paghinaan ng loob si Bree.


Iyon lang ang naiisip niyang paraan para sumaya ito.


"You seems bothered."


Napalingon siya kay Sinh na imbitado rin sa kasal nila ni Bree.


Napabuntong hininga nalang siya at naupo sa isang sopa. Kasalukuyan silang nasa isang room kung saan siya inayusan at ibang groomsmen.


"I'm just scared" he honestly said. "Paano kung... ito na pala 'yung huling araw na magkakasama kami? Hindi ko alam kungano ang gagawin ko kapag nangyari 'yon."


Ito naman ang narinig niya na nagbuntong hininga. "Kung sakali man na gano'n ang mangyari, sigurado akong aalis si Bree na masaya at may ngiti sa labi."


"Paano mo naman nasabi?" tanong niya rito.


Malungkot itong ngumiti. "Kasi natupad na 'yung matagal niyang pangarap... ang magkaroon ng masayang pamilya at mabuo kayo."


Hindi siya nakakibo at napayuko nalang. Kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan.


Tila ba may hindi magandang mangyayari sa mismong araw ng kasal nila ni Bree.


"If ever she dies, may iniwan pa rin siya sa 'yo at si Caliste 'yon. Kung sakaling iwanan niya tayong lahat, may iniwan pa rin siyang magiging alaala natin sa kanya" saad nito at nilingon siya. "Remember, kamukhang-kamukha ni Bree ang anak niyo at para silang pinagbiyak na bunga. Maybe, god let that happen so when she left, she will be reminded by your daughter."


Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pinto at iyon ang organizer.


"Aalis na ho tayo, sir" ani nito.


Inayos niya ang sarili at nang makalabas sa maliit na building na iyon ay sumakay siya sa isang sasakyan.


Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa simbahan. Sinigurado nila na hindi iyon malayo sa ospital kung saan ito naka-confine para kung sakaling may mangyari ay mabilis itong maisusugod.


Saktong pagdating niya ay inumpisahan na nila ang kasal dahil mas pinauna nilang makarating si Bree kaysa sa kanya.


Sa oras ng paglakad niya sa pulang carpet na nasa gitna ng simbahan ay nakita niya ang mga importanteng tao sa buhay nila. Maging ang mga nirequest ni Bree na makapunta sa kasal nila ay naroon.


Nang makarating siya sa gitna at naglakad ang iba pa ay dumating na rin ang oras na si Bree naman ang dadaan patungo sa pwesto niya.


Isang musika ang tumugtog at unti-unting nagbukas ang pinto ng simbahan. Napakagat labi siya upang pigilan ang luha niya nang makita niya itong sa isang maganadang wedding dress habang nakawheelchair at itinutulak ng ama nito habang sa gilid nito ay ang ina nito.


Hindi niya inalis ang tingin niya rito at sa kabila ng sitwasyon nito ay nagagawa pa rin nitong ngumiti.


Sa paglapit nito sa kanya ay kita niya ang tahimik na pagluha ng mga dumalo. Maging siya ay hindi maiwasan na maging emosyonal lalo na at alam niya sa sarili niyang anytime ay iiwan sila nito.


Nang makarating na ito sa pwesto niya ay kapwa siya nagmano sa magulang nito na halatang umiyak rin at saka siya tinulungan ng ama nito na buhatin ang wheelchair paakyat.


Nagsimula ang seremonya ng kanilang kasal. Sa mga oras na iyon ay hindi niya nilubayan ng hawak ang kamay ni Bree. Gusto niyang maramdaman nito na lagi siyang nasa tabi nito.


"I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride" the priest said.


Itinukod niya ang isang tuhod sa lupa at marahan na inalis ang bridal vale nito. Sumilay sa kanya ang nakangiti nitong mga labi na tila sinasabi nitong ayos lang ang lahat.


"I love you, Sayrah Bree Santillan" he lovely said.


"I love... you too... Xaiden Jones... Santillan" sagot naman nito kahit hirap na ito makapagsalita.


Sa mga katagang iyon ay pinaglapat nila ang kanilang mga labi at sa mga oras na iyon ay sabay na bumagsak ang kanilang luha na tila ba isa iyong magiging magandang alaala.


Agad na nagsalubong ang kanilang mga mata matapos ng halik na iyon at isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya.


Hinawakan nito ang isang pisngi niya na mabilis niya ring hinawakan at dinama.


"Thank you... for coming into... my life... T-take care... of C-Caliste..."


"I will. I love you so much" he replied.


Ngumiti itong muli sa kanya at sa ngiting iyon ay kita niya ang saya sa mga mata nito.


"I'm getting... sleepy, Xaiden... C-can I... sleep?"


Duon na bumuhos ang luha niya sa sinabi nito at paulit-ulit na tumango.


"Y-you can. You can sleep now" he said while crying.


Unti-unti nitong ipinatong ang ulo nito sa balikat niya at saka muling nagsalita.


"I love... you, Xaiden... Till death do... us apart..."


"I love you too, Sayrah. Till death do us apart" he replied.


Matapos nilang sabihin iyon sa isa't isa ay biglang nalaglag ang kamay nitong nakalapat sa pisngi niya dahilan para yakapin niya ito ng mahigpit habang humahagulgol.




THE END!

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon