CHAPTER 1

128 5 1
                                    

Malakas na tugtog ang sumalubong kay Bree kasama ang kanyang mga kaibigan pagkapasok palang nila sa isang bar.


"Oh my god, Bree! Ang daming hot sa bar na 'to" ani Cheska na isa niyang kaibigan na halatang nagniningning ang mga mata sa mga lalaking natitipuhan nito.


Napangisi siya at inilabas ang ATM card niya. "It's on me."


Kapwa nagsingisian ang mga kaibigan niya at nag-order na ng kanya-kanyang inumin na gusto ng mga ito.


Habang abala ang mga ito sa pag-order ay hinahanap naman ng mata niya ang taong pakay niya kung bakit siya nagpunta doon.


Sa kabila ng paiba-ibang kulay ng liwanag ay mabilis niya itong nakita. Napangiti siya nang makita ito kasama ang mga kaibigan nito.


May kapwa katabing babae ang mga kaibigan nito ngunit ito ay wala. Tahimik lang ito na umiinom at minsanang nakikipag-usap sa mga kaibigan nito.


"Bree..."


Napatingin siya sa mga kaibigan at kapwa nakangisi ang mga ito.


"Kaya pala nag-aya ka dito dahil nandito siya" ani Cheska na isa sa mga kaibigan niya.


Mahina siyang napatawa. "Well, it's him."


Tumawa ang kaibigan niyang si Denise. "Ilang taon mo na siyang hinahabol pero until now wala pa ring ganap?"


Napatingin naman siya kay Herlene nang gatungan nito ang sinabi ni Denise. "Oo nga naman. Ang hina mo naman sa kanya."


"Excuse me. Hindi niya pa minumulat ang mga mata niya na ako talaga ang para sa kanya" turan niya na kinatawa ng mga ito.


"Whatever. Let's just drink" Denise said.


Sumang-ayon dito si Herlene kaya hinayaan niya nalang ang mga ito na uminom at itinuon ang pansin kay Xaiden.


Halata niya na medyo tipsy na ito at ilang babaeng dancer ang nagtatangkang hawakan ito.


Napataas ang kilay niya nang makita ang isang babae na pinadausdos ang palad nito sa balikat ni Xaiden pababa sa matipuno nitong dibdib.


Nakasuot kasi ito ng hapit na gray t-shirt at v-neck style pa kaya napakalakas ng dating nito at kita ang hulma ng magandang katawan nito.


"Excuse guys" ani niya at walang anu-ano na iniwan ang mga kaibigan niya.


Bitbit niya ang wine glass na may lamang cocktail ay tinahak niya ang daan patungo sa p'westo nito.


Maraming lalaki ang nagtangkang harangin siya ngunit inirapan niya lang ang mga ito.


Nang malapit na siya rito ay napaangat ang tingin nito at alam niya na nakita siya nito.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon