Hindi mapakali si Bree dahil may mali siyang nararamdaman lalo na sa biglaang pagbago ng pakikitungo sa kanya ni Xaiden.
Bigla nalang itong nagbago lalo na ang pagtrato nito sa kanya hindi tulad noon na inaasikaso siya nito.
Dahil na rin sa buntis siya ay madalas na nagkakasalubong ang init ng ulo nilang dalawa.
Hindi niya kasi malaman kung anong problema nito at parang laging mali ang ginagawa niya.
"Where are you going? It's 2 o'clock in the morning" she said when she saw him leaving his room while wearing shirt and jeans.
"The hell you care" he coldly said.
Agad na nagpanting ang tainga niya sa sagot nito. Madalas na nga lang ay nagigising ang mga kasambahay sa pagtatalo nilang dalawa.
"Makikipag-inuman ka nanaman ba? Araw-araw nalang ganito ang ginagawa mo" singhal niya.
"Then leave. Hindi mo kailangang magpanggap" sagot nito.
Agad na nangunot ang noo niya dahil narinig niya nanaman ang linya na iyon na paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya.
"Nanjan nanaman tayo sa pagpapanggap na sinasabi mo. Ilang beses na nating pinagtatalunan 'to. Lalo na 'yang pag-iinom mo. Buntis ako, Xaiden. Sa ginagawa mo nai-stress lang ako" litanya niya.
"Edi umalis ka para hindi ka mastress. Napakaliit na bagay pinapalaki mo" tanging sagot nito bago siya tinalikuran.
"XAIDEN! COME BACK HERE! XAIDEN!" mga sigaw niya na hindi naman nito pinakinggan.
Napabuntong hininga nalang siya at napahawak sa ulo niya dahil nai-stress nanaman siya sa nangyayari.
"Ma'am, okay lang po kayo?"
Napalingon siya kay Manang Belen na kasambahay nila.
Tumango siya rito kahit na stress pa rin siya.
"Just give me water" she said.
Mabilis na sumunod ito at binigyan nga siya ng tubig.
Inalalayan din siya nito paupo sa sopa.
"'Wag niyo po mamasamain, Ma'am, pero mas makakabuti kung kokontrolin niyo ang sarili niyo. Mahirap na ho at baka kung ano ang mangyari sa inyo ni baby" may pag-aalalang turan nito.
Napabuntong hininga siya at ibinaba ang basong may lamang tubig na nabawasan na niya.
"Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa amin, Manang Belen. Hindi naman siya gan'yan noon eh" pagsusumbong niya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...