CHAPTER 12

70 5 0
                                    

Maagang nagising si Bree para sana mamalengke at bumili na rin ng ilang gamit ng anak niya.


Pinapasama niya ang kapatid niya pero busy pala ito sa trabaho kaya tinawagan niya ang iba ngunit lahat ito ay busy habang ang iba ay nasa ibang bansa.


"Sino naman kaya ang pwede kong isama?" Naibulalas niya nalang.


Hindi na kasi siya pwedeng umalis mag-isa lalo na 6 months na siyang buntis. Nag-iingat din siya lalo na ang may history siya na mababa ang matres niya.


Napalingon siya ng makarinig ng yabag at agad ding nag-iwas ng tingin nang makitang si Xaiden iyon.


Dumiretso ito sa refrigerator at uminom ng tubig.


"Himala wala ka ata sa bar ngayon" pagbasag niya sa katahimikan.


"Don't start, Bree" tila walang buhay na sagot nitom


Pagak siyang tumawa. "I'm just asking. 'Wag mo masyadong seryosohin."


Mabuti nalang at mabilis siyang nakaiwas nang dumako ang tingin nito sa kanya.


"Manang Belen, pasuyo nalang ho kay Manong Jose" utos niya.


"What do you want from our driver? Aalis ka?" pagtatanong nito.


Tumango siya ng parang wala lang. "Yeah. Mamamalengke ako."


"Trabaho yan ni Manang Belen, bakit ikaw ang gagawa?" muling tanong nito.


Napaarko ang kilay niya at namaywang rito.


"Bibili na rin naman ako ng gamit ni baby kaya isasabay ko na" litanya niya.


"Nang ikaw lang mag-isa?"


Tumango siya. "Yeah. Any problem with that?"


Tinuro nito ang t'yan niya. "You're pregnant."


"And so? Buntis lang ako 'di ako nalumpo" sagot niya.


Napailing nalang ito at iniwan siya habang napairap nalang siya sa pakikialam nito.


Matapos niya kumain ay dumiretso siya ng kwarto niya para maligo.


Ilang saglit lang ay natapos rin siya kaya bumaba na siya. Handa na rin ang dadalin niya incase may mangyari habang namimili siya.


"Manang Belen ready na po ba 'yung sasakyan?" tanong niya rito habang pababa ng hagdan.


"Kasi ma'am..."


Nangunot ang noo niya nang hinndi nito matuloy ang sasabihin.

Chasing You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon