Hindi mapakali si Xaiden habang naghihintay na lumabas ang doctor.
Agad siyang napalabas sa kwarto niya nang may marinig na lagabog.
Natulala pa siya nang makita si Bree sa sahig at may dugo sa paligid nito. Bago pa man siya makababa ay nakita niya nang binuhat ni Sihn si Bree palabas ng bahay nila.
"Xaiden! What happened?!"
Napalingon siya sa mga magulang ni Bree na napasugod din sa ospital matapos niyang tawagan ang mga ito.
"She fell on the stairs" he just said.
"My God! Bakit nangyayari sa kanya 'to?" Ani ina ni Bree na tila 'di na malaman ang gagawin.
Hindi nalang siya nakakibo at pinili na manahimik. Alam niya kasi na alam ng mga ito ang naging kalokohan niya.
Hindi niya alam pero natagpuan niya nalang ang sarili niya na iba't-ibang babae ang kinikita niya. Ngunit kahit kailan ay wala siyang ginalaw sa mga iyon.
Para bang iyon ang naging daan niya para makalimot sa problema nilang mag-asawa.
Pare-parehas silang nag-aabang sa labas hanggang sa mabilis siyang napatayo nang bumukas ang pinto ng ER.
"Doktora, kamusta ang asawa ko?" agad na tanong niya rito.
"Kailangan na namin ilabas ang bata sa t'yan niya" anunsyo nito.
"Pero kaka-eight months palang ng anak niya. It's too dangerous for her baby" ani Sinh na hindi rin umalis sa ospital.
"Masyadong malala ang naging pagkalaglag ng pasyente. Kapag hindi pa namin inilabas ang bata malaki ang posibilidad na mamatay silang dalawa" ani ng doktora. "We need the husband's approval first before we proceed."
"Xaiden..." naluluha nang pagbigkas ng ina ni Bree sa pangalan niya.
Matapang na humarap siya sa babaeng doctor. "Do it. Save them. Both of them."
Mabilis na tumango ang doktora sa naging pahayag niya at pumasok muli sa loob.
"Masyadong delikado kung ilalabas na ang bata, Xaiden" litanya ni Sinh sa kanya.
Tumalim ang mata niya dito lalo na at marami nang tumatakbo sa isip niya.
"What do you want me to do? Mamili sa kanilang dalawa kung sino ang bubuhayin at hindi? I'm her husband and the father of our child, hindi ko hahayaan na mapahamak silang dalawa" giit niya.
Hindi ito kaagad nakakibo sa mga sinabi niya.
"You..." hindi na nito natuloy pa ang sasabihin hanggang sa magbuntong hininga ito.
It's my goddamn fault. He blamed himself.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...