Isang araw bago ang pag-alis ni Bree patungong Singapore ay inasikaso na niya lahat ng kailangan niya.
Hindi siya nagdala ng marami dahil balak niyang duon nalang mamili ng susuotin niya lalo na kapag nagsimulang lumaki ang t'yan niya.
Nasabihan na rin ng magulang niya ang tita niya na naroon kaya wala nang magiging problema.
Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya nang may kumatok roon.
Napangiti siya ng makita ang ina at itinigil ang ginagawa niya.
"Mom. Akala ko ba aalis kayo ni Dad?" Tanong niya rito.
Sa pagkakaalam niya ay may pupuntahan ang mga ito.
"Hindi pa naman kami nakakaalis. Gusto ko lang na makausap ka" ani nito.
"About saan, mom?" curious na tanong niya rito.
"Sigurado ka na ba sa plano mong pag-alis? Pwede pa naman nating i-cancel ang flight mo" ani nito.
Napangiti siya at hinawakan ang kamay nito. "I'll be fine, Mom. You don't have to worry about me."
"Iniisip ko lang magiging lagay mo doon lalo na wala kang makakasama sa Singapore. I just want you and the baby safe" puno ng pag-aalalang turan nito.
Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay nito.
"I'm old enough now, mom. I can handle myself" paniniguro niya rito. "Siguro nga naging miserable ako nu'ng mga nakaraang araw pero nagising na 'ko.
"I want this child. Gusto ko siyang mahawakan at makitang lumaki. This is my own blood. Ayokong makita niyang hindi siya gusto ng lahat sa kabila ng nangyari" dagdag pa niya.
Napangiti ito at alam niyang naging panatag ito sa sinabi niya.
"Okay. I trust you" tanging nasabi nalang nito.
Ilang pag-uusap pa ay naisipan na nitong umalis kaya muli siyang naiwan mag-isa.
Pinagpatuloy niya nalang ang ginagawa niya pero sa kalagitnaan n'yon ay napakunot ang noo niya.
Narinig niya ang pagbukas at sara ng pinto ng kwarto niya. Mas nakapagtaka pa sa kanya dahil hindi ugali ng mga kasama niya sa bahay ang hindi kumatok sa pinto.
Sa isiping baka ang ina niya iyon ay hindi siya lumingon.
"May nakalimutan ka ba, mom?" tanong niya nang hindi lumilingon.
Wala siyang narinig na sagot kaya tinigil niya ang ginagawa.
"Why are you—"
Natigilan siya sa nakita. "Xaiden? What are you doing here? And paano ka nakapasok sa bahay?" sunud-sunod na tanong niya nang makita kung sino ang walang habas na pumasok sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) [ A Story of Xaiden and Bree ] He loves someone while she chase him. All Rights Reserved ©2024 **** Cover by @Animo...