Chapter 1: Captured

52.1K 1.3K 193
                                    


Napadilat ako ng mga mata ko. Mula sa madilim, unti-unting naging maliwanag ang paligid.

Hindi na ako nagulat sa mga nakita ko. Naalala ko kasi ang nangyari bago ako napadpad dito.

Ang sakit ng ulo ko. Grabe. Para akong hindi natulog ng dalawang araw.

Ang mga taong nakahawak ng baril ay nakatingin lang sa akin ng seryoso at walang may nagsasalita sa kanila. Sobrang tahimik ng paligid kahit ang dami namin dito.

Napansin ko na ang isang lalaki ay naglakad palabas.

Teka, nasa bodega ba ako? Pero mukhang hindi naman. Sa mga napapanuod ko sa movies, dinadala ang hostage nila sa abandonadong lugar at doon papatayin. Pero ang lugar na ito, bakit ang ganda?

Puro puti yung paligid at ang linis ng silid kahit na ang daming baril na nakakalat sa lamesa at mga nakasabit sa dingding. Napalula ako sa dami nun. Para akong nasa isang museum ng mga baril. At hindi biro ang pinto nila dito nung lumabas ang lalaki kanina kasi high-tech ang pa. Automatic na nagsa-slide ang pinto at nagbukas nung dumaan ang lalaki. Ganito ba dapat ang pinagdadalhan sa kinidnap? Malayo sa nasa isip ko. Hindi ito gaya ng mga napanuod ko.

Ang yaman ng kumidnap sakin. Malamang hindi ransom o pera ang kailangan nila. Ano kaya ang kailangan nila sakin?

Napasinghap ako sa naisip. Muntik na akong mapatakip sa bibig kaya lang hindi ko magawa kasi nakatali pala ang aking mga kamay sa likod ko habang nakaupo ako dito. Buti hindi nila tinali ang paa at bibig ko.

Hindi kaya ang balak nila sakin ay sasaktan, gagamitin at papatayin??

"Kuya," tawag ko sa isang lalaki na nasa harap ko at nakasandal sa pader.

Kahit marami sila dito, siya lang ang tinawag ko kasi ang iba ang scary ang itsura. Si kuya scary din naman pero mas okay na kumpara sa mga kasama niya.

Hindi ako pinansin ni kuya.

"Kuya," ulit ko.

Hindi parin niya ako pinansin.

"Pssst! Kuya, bingi kaba?" Bigla siyang napaharap sa akin. Yun naman pala, haharap din pala pero tinutukan ako ng baril.

Napanganga ako sa gulat at takot.

"Kuya, biro lang. Sorry po," paumanhin ko sa kanya pero nakatutok parin ang baril niya sa akin. "Kuya, baba mo na ang baril mo. Hindi na kita uulit kakausapin. Promise!" Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin at kinasa pa ang baril. Napapikit ako sa takot baka iputok niya yun sakin.

Ikaw kasi Nina eh. Bakit kasi ang daldal mo? Yan tuloy!

Biglang bumukas ang automatic nilang pintuan at pumasok ang lalaking lumabas kanina at nasa likod nito ang lalaking sinampal ako kagabi. Bigla ulit akong natakot ng sobra.

Kaya pala lumabas ang isang yun, para pala tawagin ang walang pusong lalaking ito. Lumakad ito papalapit sa akin. Napayuko ako dahil ayaw ko siyang tingnan. Natatakot ako baka saktan niya ulit ako.

Inangat niya ang mukha ko at kahit kaharap ko na siya ay hindi ko parin siya tiningnan. Sa ibang direksyon ako nakatingin. Ayaw ko kasi tumingin sa kanya.

"Who are you? Bakit ka nandoon kagabi? Pinadala kaba ng kalaban ha?!"

Napatingin agad ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukha ba akong kalaban? Kung alam niya lang na pinagsisihan kong napunta ako doon.

"Sagot!!" Sigaw nito sakin.

"N-Napadaan lang ako doon," mahinang sagot ko.

"Napadaan??" He smirked.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon