Chapter 36: By Her Side

26.7K 682 44
                                    


Tyron's POV

Nasa sementeryo ako ngayon kasama si Gladys. Sinamahan ko siyang dalawin ang daddy niya. Hindi kasi niya ito nadalaw ng ilang linggo na simula mailibing ito. Siya kasi ang nag-aasikaso ng mga naiwan ng daddy niya at lalo na ang mga problema ng companya nila. Nasira kasi ang pangalan ng pamilya niya at mabuti nalang at naniwala ang media na walang kinalaman si Gladys sa kasalanan ng daddy niya. Lumabas kasi sa publiko lahat ng pinaggagagawa ng ama niya. Marami pala itong pinagkautangan at ginawan ng mali.

Simula nung nawala ang daddy niya, lagi na akong nasa tabi niya. Nagtatrabaho parin ako sa companya ni boss pero naka-off ako ngayong araw.

Mga ilang araw na din na nasa honeymoon ang bagong kasal. Sabi na eh. Sila talaga ang magkakatuluyan. Tama ang hinala ko.

Akala ko noon ay malabong ma-inlove ang isang leader ng mafia. Nakakatawa man sabihin pero naniniwala na ako sa pag-ibig. Lalo na ngayon na nahuhulog na din ang loob ko sa babaeng kasama ko ngayon.

Ewan ko ba pero isang araw ay nagising nalang ako na importante na pala siya sa aim. Nasasaktan ako pag nasasaktan siya. Parang iisa lang ang puso namin. Paano kaya nangyari ito? Baka ginayuma talaga ako ni Gladys eh. Hulog na hulog na kasi ako sa kanya pero hindi ko pa sinasabi yun sa kanya. Gusto ko kasing e-surprise siya.

Ang mafia naman, tuloy parin ang grupo pero hindi na si boss ang namumuno. Binigay na niya ito sa daddy niya pero dahil tumatanda na ang daddy niya, sa akin na nito pinagkatiwala ang grupo dahil isa daw ako sa mga naghirap para mapalago ito. Binitawan na kasi ni boss ang maging leader kasi natatakot siya para sa pamilya niya. Ayaw niyang maulit ulit ang nangyari kag Nina. Hindi niya kayang ipahamak ito kaya binitawan na niya ang posisyon niya at nag-focus nalang sa negosyo niya.

"Let's go," sabi ni Gladys pagkatayo niya mula sa pagkakaupo sa damuhan kung saan ang puntod ng daddy niya.

Tumango ako at sumabay sa kanya sa paglalakad. Tahimik lang siyang naglalakad. Alam kong madami siyang iniisip lalo na at hindi madali ang sitwasyon niya ngayon. Maliban sa nalaman niyang kasamaan ng ama niya, mag-isa nalang siya sa buhay ngayon. Kaya ginagawa ko lahat para mapagaan ang nararamdaman niya. Lagi akong nasa tabi niya.

"Nahihirapan ka pa rin ba?" Tanong ko habang nakatingin ng maigi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Nung umpisa mahirap pero ngayon medyo nakakaya ko na." Tumingin siya ng diretso sa akin. "Because you are there for me," dagdag niya.

Ngumiti ako sa at ganun din siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Thank you," sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko.

"Para saan?"

"For everything. You were always there for me at times when I needed someone to lean on. You were always there when I needed you the most." Piningot ko ang ilong niya. Napangiwi siya. "Ouch! Why did you do that?" Napa-pout pa siya.

"Hindi mo kailangang magpasalamat."

"Why not? I should thank you for everything you have done. It means so much to me kaya."

Napangiti ako dahil naging conyo na naman siya. Kaya ko siguro siya nagustuhan dahil iba siya sa gusto kong babae. Akala ko ang gusto kong babae ang magiging girlfriend ko pero kabaligtaran pala ang nangyari. Kung sino pa ang hindi mo inaasahan ay doon ka pa mahuhulog. Minsan naniniwala na talaga ako sa  tinatawag nilang opposite attracts.

"Ang conyo mo."

"Whatever. I just wanted to thank you."

Natawa nalang ako sa kanya saka inakbayan siya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon