Epilogue

36.4K 1K 112
                                    


Nina's POV

"Love, will you marry me?"

Naiyak ako dahil sa narinig ko. Tumahimik ang lahat habang naghihintay ng sagot.

"Yes! I will marry you!"

Mas lalo akong napahagulgol sa saya dahil sa sagot niya. Nagpunas ako ng sipon ko na kanina pa tumutulo dahil sa kakaiyak ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao na nandito at lahat sila ay kitang-kita ko na sobrang saya para sa dalawa. Nandito rin ang mga kasamahan nilang mafia para suportahan ang proposal na gagawin ng ka-grupo nila.

"Hija? Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mommy Clarisse. Nakatayo siya sa tabi ko at nagtatakang nakatingin sa akin. Siguro na we-weirduhan na siya sa akin dahil daig ko pa ang ikakasal sa lakas ng iyak ko. Parang ako pa yung niyayang magpakasal.

Narinig kong tumawa si Nathan. Nakatayo siya sa kabilang side ko. Bumaling ako sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. "What?" Maang-maangan pa na tanong niya. Tsk.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko saka nagpunas ng sipon at luha ko.

Tumawa pa lalo si Nathan na mas lalong kinainis at kinaiyak ko.

"Anak naman, umiiyak na nga itong asawa mo tapos tumatawa kapa diyan," saway ni mommy sa kanya.

"Hey, congratulations to the both of you," bati ni Nathan pagkalapit ni Tyron at Gladys sa amin. Pinakita ni Gladys ang singsing na suot niya at sinabing, "We are getting married."

Umiyak na naman ako ng todo.

"Nina, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Gladys sa akin.

"Don't mind her. She is okay. She is just too sensitive these days so please bear with her," nakangiting sabi ni Nathan.

"Uy anong sensitive?! Hindi ako sensitive ah! Ikaw kaya ang sensitive diyan. Saka kasalanan mo kung bakit ako umiiyak ngayon. Tingnan mo si Tyron, ang sweet-sweet niya at nagkaroon pa sila ng proposal pero tayo wala! Diretso kasal agad."

"What?? I proposed to you, remember?"

"Oo nga pero hindi surprise. Hindi kagaya ng sa kanila. Ako pa nga ang nagsabi sayo na mag-propose ka," sabi ko at napaiyak dahil naalala ko ang nangyari nung araw na yun.

"Ayon naman pala, Jonathan. Kasalanan mo pala bakit umiiyak si Nina eh," sabi ni Daddy Henry sa kanya.

"Hey, Nina. It's okay. Kami nga rin ni Tyron ay parang kagaya din ng sainyo eh. Niyaya niya din ako agad magpakasal kahit hindi pa kami dumaan sa boyfriend and girlfriend stage. Ganun talaga siguro silang dalawa. Hindi uso sa kanila ang stage na ganun. But I am okay with it because I get to spend a lifetime to get to know him more. That's more than enough for me," natatawang kwento ni Gladys.

"I admit that we have a fault on that but I don't think that's really the reason why she is crying," sabi ni Nathan saka tumawa na naman siya. Naiinis tuloy ako sa kanya.

"Then why is she crying?" Tanong nila.

"Uy, Nathan! Anong pinagsasabi mo diyan ha?? Mali naman yang hinala—" naputol ang sasabihin ko dahil sumingit siya.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon