Nina's POVDinilat ko ang mga mata ko dahil sa ingay na narinig ko. Napansin kong hindi familiar ang lugar kung nasan ako.
Nasaan ako? Bakit ang daming tao na nakapalibot sa akin? Teka... Bakit ako nasa isang bodega??
Nanlaki ang mga mata ko nung may maalala. Lagot na. Sinusundan ko kasi ang isang lalake tapos biglang may tumakip sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay dahil sa gamot na pinaamoy nila sa akin.
"Kamusta, Miss Natividad?" Nakangising tanong sa akin ng isang lalaking mukhang may edad na base sa kanyang itsura.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para magpakilala ako sayo. Sabihin nalang natin na isa ako sa mga kaaway ni Jonathan Travis," nakangising sabi niya.
Kinabahan ako sa klase ng ngisi niya. Alam ko na agad na hindi siya mabuting tao.
"Anong balak mo sakin?" Kinakabahan ako pero pilit kong nilakasan ang loob ko at huwag ipahalata ang kaba ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko tapos lumapit sa akin at may sinabi. "You have to follow my orders."
Napasimangot ako. Diba sa mga pelikula dapat pinapatay or hinihingan ng ransom ang mga kinikidnap? Pero bakit sa kanya ay may utos pang nalalaman?
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng maigi at pinag-aralan ko kung nagbibiro ba siya o hindi.
"I know that you are Jonathan's woman and I want you to do me a favor." Inabot niya sa akin ang isang maliit na bote. "Have him take this."
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Alam ko kung ano ang laman ng bote na ito. Pinag-aralan ko ito nung college. Isa itong lason. Agad akong napatingin sa kanya ng may nanlalaking mga mata.
"Nagbibiro kaba?? Hindi ko kayang gawin yan kay Nathan!"
"You have to do it dahil kung hindi, kawawa ang pamilya mo." Nanlaki ang mga mata ko nung binanggit niya ang pamilya ko.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ayokong madamay ang pamilya ko dito.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila??" Galit na tanong ko.
"I have connections, so I can find a source easily. Jonathan is not smart enough to hide those details from me."
"Walang hiya ka! Huwag mong idamay dito ang pamilya ko!" Galit na sabi ko.
"Then follow my order!"
No, hindi ko kayang sundin ang utos niya. Hindi ko magagawa yun kay Nathan. May parte si Nathan sa puso ko kaya hindi ko kayang gawin yun sa kanya.
"Patayin niyo nalang ako dahil hindi ko gagawin ang gusto niyo."
Tumawa siya ng malakas. "Huwag kang mag-alala, papatayin karin naman namin pagkatapos nitong plano na ito. Kailangan kapa namin sa ngayon."
Tanggap ko naman kasi na yan ang kakahantungan ko dahil sa pagpasok ko sa mundo ng mafia. Mas okay sa akin na ako nalang ang saktan nila kesa ang ako yung makasakit ng ibang tao dahil sa mga pinag-uutos nilang masama.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AcciónIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...