Nina's POVMaaga palang ay gising na ako. Gutom na kasi ako kaya bumaba ako at nagluto. Nag-alok pa nga yung katulong na siya na lang daw ang magluluto pero sabi ko ako na. Hindi ko kasi type ang mga niluluto nila at saka gusto ko rin ipagluto si Nathan.
Syempre asawa na niya ako ngayon kaya gusto kong gampanan ng mabuti ang pagiging asawa ko. Kahit na sinabi ni Nathan na hindi ko daw siya kailangang pagsilbihan, hindi ako pumayag kasi gusto kong pagsilbihan siya.
Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao. Gagawin mo lahat para mapasaya siya at para ipakita sa kanya na mahal mo siya.
Sobrang naging clingy na nga ako minsan sa kanya. Isang linggo simula nung umuwi kami galing sa honeymoon namin ay hindi ko siya pinaalis sa tabi ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ayaw ko na hindi siya nakikita. Kaya ang kinalabasan, niyaya ko nalang siya na matulog sa bahay ng parents ko at sa bahay ng parents niya ng ilang araw para huwag muna siyang bumalik sa trabaho.
Natawa nga ako noong natulog siya sa bahay namin. Hindi siya sanay na matulog sa maliit na kama at hindi din kasi gaano kalambot ang mattress kaya sabi niya bibili daw siya ng bagong kama na mas malaki at komportable pero hindi ako pumayag. Tapos first time ko ding nakita si Nathan na nagtatabo lang nung naligo siya sa poso. Ang daming kapit-bahay na nanunuod sa kanya kaya pinagalitan ko sila at pinaalis. Hindi ko na ulit siya pinayagan na maligo sa labas. Doon nalang siya naligo sa maliit na banyo namin sa loob ng bahay. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag kahit hindi siya komportable sa maliit na banyo na meron kami lalo na at malaking tao si Nathan.
Na-touched ako kasi alam ko na hindi siya sanay sa buhay na kinalakihan ko pero hindi siya nagrereklamo. Masaya pa nga daw siya. Naglaro pa nga sila ni papa ng tong-its eh at lagi pa siyang panalo.
Pagkatapos ng dalawang gabi namin doon sa bahay, sa bahay naman ng parents niya kami sumunod na bumisita. Syempre na-missed ko din sina tito at tita. Lagi kaming nagluluto doon ng masasarap na pagkain kasama ko si tita saka nag-uusap din kami lagi. Mga dalawang gabi rin kami doon sa bahay nila bago kami nagpasya na umuwi na sa bahay namin ni Nathan.
Kahapon pumayag na akong pumasok si Nathan sa office niya. Alam ko naman kasing marami siyang trabaho na naiwan eh. Nasanay lang kasi akong magkasama kami ng ilang linggo kaya siguro ayaw ko na umalis siya baka ma-missed ko siya agad. Kaya kahit ayaw ko, pumayag nalang ako kasi para din naman sa companya at sa amin ang ginagawa niya eh.
Sobrang swerte ko kay Nathan at nararamdaman kong mahal na mahal niya ako lalo na at lagi niyang pinapakita at sinasabi iyon sa akin. Napatunayan ko na kaya niyang gawin ang lahat para sa akin. Kaya niyang e-give up ang kahit na ano para sa akin. Paano ko nasabi yan? Nagulat kasi ako nung ginive up niya ang posisyon niya bilang leader ng mafia kahit hindi ko naman siya sinabihan na itigil na niya kasi alam kong importante iyon sa kanya. Kaya kahit ayoko na kabilang siya ng mafia, hindi nalang ako nagsalita. Kaya nagulat nalang ako na isang araw ay nagpasya siyang umalis na bilang leader at ang rason niya, ayaw na daw niya akong mapahamak lalo na at gusto niyang bumuo na kami ng sarili naming pamilya. Ayaw niya na malagay ulit sa pahamak ang buhay ko.
Sa totoo lang, iyon ang ginawa niya na pinakanatutuwa ako. Gusto ko din kasi na mamuhay kami ng simple. Saka gusto ko din na ligtas siya. Hindi ko kaya pag umaalis siya para pumunta sa isang mission na walang kasiguraduhan kung makakauwi siyang buhay. Ayaw ko ng ganun kaya masaya ako sa desisyon niya.
Napangiti ako nung maalala ang mga ginawa ni Nathan para sa akin lalo na nung mag-asawa na kami. Nagluluto ako ngayon pero kung anu-ano ang iniisip ko. Naalala ko kasi yung nangyari noong honeymoon nami. Namula ata ang pisngi ko pag na iisip ko yun. Hindi parin ako masanay sa ka-sweetan ng asawa kong si Nathan.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...