"What?? Bakit mo ako ipapakilala sa kanila?!"
Nataranta ako bigla nung sinabi ni Nathan na ipapakilala niya ako sa parents niya.
"Because I have to," simpleng sagot niya at napakakalmado pa niya habang ako ay kinakabahan na.
"Pero hindi mo naman ako totoong girlfriend ah? Lolokohin natin sila??"
"In the first place, I hired you to pretend as my girlfriend. So what's your commotion all about?!" Nakasimangot na namang tanong niya sa akin. Napikon na naman siya. Ang ikli talaga ng pasensya niya.
"Pretend girlfriend? Kahit sa parents mo?!"
Gusto kong mag-freak out! Hindi ko ata kaya ang ipapagawa niya. Hindi ko kayang magpanggap lalo na sa parents niya.
Parents niya ang lolokohin namin na magjowa kami?? Ayoko. Naaawa ako sa kanila. Kung gagawin ko din yan sa parents ko ay malamang nalulunod na ako sa sobrang konsensya.
"I have no choice."
"Bakit wala kang choice?"
Napailing sakin si Nathan at napilitan nalang itong mag-explain kasi hindi ko din naman siya titigilan kakatanong hanggat hindi niya sinasabi ang rason kung bakit.
"They want me to be in a serious relationship with a woman. If not, they will take away all that they gave me and all my hard works will be put to waste."
"Yun lang???"
"It is not 'yun lang' because if I don't have someone special to introduce to them, they will force me to marry someone else! And I don't want that. So can you just cooperate and do your job?!" Galit na sabi niya.
"May choice ba ako? Tsk."
Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil alam kong wala naman akong choice. Ito naman ang rason bakit binuhay pa niya ako. Kailangan niya pa ako para sa pagpapanggap niya. Bahala na. Sa ikalawang araw pa naman kami magkikita ng parents niya dahil yun ang uwi nila dito. Bahala na talaga kung mabisto kami dahil wala talaga akong balak na lokohin ang parents niya.
Nagpaalam na ako kay Nathan na aalis na. Tinaboy na din naman niya ako kaya lumabas nalang ako. Ang sungit kasi nun. Ang bilis uminit ang ulo.
Pagkalabas ko ng library nitong bahay niya ay may naalala ako bigla kaya mabilis akong pumunta sa kusina.
"Edgar! Ano nakain mo na ba?" Excited kong tanong sa kanya.
"Ah. Konti lang po, miss," napapakamot sa ulo na sagot niya sa akin.
Binigyan ko kasi siya ng ice cream gaya ng pangako ko sa kanya para lang ituro niya sa akin kung saan ang kwarto ni Nathan. At kanina ko lang ibinigay sa kanya ang ice cream niya.
"Bakit konti? Ayaw mo ba nung flavor?"
Rocky road naman yung binili ko ah? Masarap kaya yun at favorite flavor ko yun.
"Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang nakita akong kumakain ni boss sa oras ng trabaho kaya pinatapon niya sa akin ang ice cream," nahihiyang sabi niya.
"Ano??!!"
* * *
Nasa loob na ako ng isang restaurant na malapit sa ng isang private room. Nagmamasid ako dito sa labas ng isang private room baka sakaling pumasok si Mr Lopez. Ito ang mission na in-assign nila aa akin nung nakaraang meeting namin.
Ang utos sa akin ay makipagkita ako sa taong makakausap ni Mr Garzon pero wala naman dito ang taong yun eh. Papatayin din nila si Mr Lopez pag na-confirm na kasabwat siya ni Mr Garzon kaya hindi ko na tiningnan pa ang information o picture niya baka maalala ko lang siya pag nawala na siya. Ang alam ko lang ay siya lang at si Mr Garzon ang pwedeng pumasok sa room na to kaya malamang si Mr Lopez agad yung makikita kong papasok.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
