Chapter 8: Acceptance

34.2K 1.1K 84
                                    


"Ano po ba ang nangyari sainyo kagabi, miss? Bakit kayo umiyak?"

Napagpasyahan kong buksan na kanina ang kwarto dahil gutom na ako at gusto kong kumain kaya pinapasok ko sina Sanny at Gloria para magdala ng pagkain.

"Wala," simpleng sagot ko.

Hindi na sila nagtanong pa. Alam nilang wala ako sa mood kaya tumahimik nalang sila at hindi na nagtanong pa. Natapos akong kumain at nila kinuha ang mga kinainan ko at lumabas na.

Nagpahangin muna ako sa balcony nitong kwarto ko. Magulo parin kasi ang isip ko.

Narinig kong may pumasok sa kwarto pero hindi ako lumingon para malaman kung sino yun. Hindi ko naman bahay ito para hindi papasukin kung sino man iyan.

"Kamusta?"

Hindi ko siya pinansin kaya lumapit siya sa akin at tumabi saka sumandal sa balcony.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Pang-aasar na tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. "Bakit ka nandito? Akala ko bawal ang lalake sa kwarto ko maliban nalang kung may inutos sayo ang boss mo."

Tumawa ito ng nakakaloko.

"Ang talino mo!" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinagot niya. "Tama ka. May pinapasabi nga si boss sayo."

"Ano?"

"Sabi niya, kumain ka daw ng marami para lumakas ka at magpahinga ka ng mabuti dahil pag mahina ka, hindi ka isasama sa lakad mamaya. Pero tingin ko dahil sa nangyari kagabi, hindi ka talaga isasama," sabi niya at tumawa pa siya.

"Sabihin mo sakin ang mga nangyayari, Tyron. Gusto kong malaman ang lahat. Naguguluhan na ako."

"Wala kang idea?" Tumawa na naman ito. Bakit ang hilig niya tumawa?

"Magtatanong ba ako kung meron?"

"Bagay din pala sayo magseryoso no? Akala ko sa patawa at palambot kalang magaling eh." Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa. "Bawal akong magsabi sayo pero dahil maganda ka pag galit, bibigyan kita ng clue."

"Sabihin mo na kasi," pagtataray ko. Pinapatagal niya pa kasi eh.

"Ang mga taong nakikita mo dito sa mansion at sa ibang mga pinuntahan natin na may mga hawak na baril ay myembro sila ng mga mafia. Napapalibutan ka ng mga mafia, Nina."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Mafia? Sa mga napapanuod ko, mga delikadong tao sila. Pumapatay sila ng tao. Napasinghap ako nung ma-realized yung bagay na yun.

"Pumapatay kayo ng tao??" Tumango ito habang nakangisi. "Si Nathan, siya ang leader niyo sa m-mafia?" Tumango ulit ito.

Ibig sabihin, napapaligiran ako ng mga mafia at may posibilidad na mamamatay rin ako dahil hawak nila ako.

"Kung ako sayo, mag-iingat akong mabuti dahil ang mga kalaban namin na galing sa ibang grupo ng mafia, alam nila na kabilang ka sa amin at pwede ka nilang patayin anytime. Lalo na't babae ka at ikaw lang ang malapit na babae kay boss."

Napalunok ako sa narinig ko. Tumaas na naman ang balahibo ko sa takot.

"T-Tyron, papatayin din ba ninyo ako?"

"Siguro, pag-inutos ni boss o kaya naman, ang kalaban ang papatay sayo," sabi niya. "Kaya kung ako sayo, lumaban ka. Huwag kang paiyak-iyak diyan. Walang magagawa yang pag-iyak mo. Ipagpatuloy mo nalang ang inumpisahan mo kagabi. Malay mo madagdagan pa ng konti ang buhay mo kung aayusin mo ang mga inuutos sayo."

"Anong gusto mong gawin ko, ang pumatay rin ng tao?!"

"Kesa naman sila ang pumatay sayo?"

Natigilan ako sa narinig. May punto siya pero hindi ko talaga kaya.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon