"Gising na po siya, boss."
Napatingin ako sa nagsalita. Naalala ko siya. Siya yung kausap ko dati. Pero bakit nandito sila sa kwarto?
Naglakad papalapit sa akin ang boss nila at napansin kong nakasunod sina Sanny at Gloria sa kanya na may mga bitbit na tray na may lamang pagkain.
Nagulat ako nung merong dalawang lalake sa magkabilang gilid ko na nakatayo. Kailangan bang bantayan ako? Hindi naman ako tatakas eh.
"Eat," sabi ni boss saka nilapag ng maids ang trays sa harapan ko.
"Akala ko patay na ako. Hindi pa pala," parinig ko sa kanila.
"Huwag kanang mag-inarte jan at kumain ka nalang."
Napakunot ang noo ko sa lalakeng nagsalita.
"Ikaw ba ang kausap ko?" Inismiran ko siya. "Saka hindi ako maarte. Teka, sino ka ba? Bakit nandito karin?"
"Ako?? Sino ako??" Ngumisi ito sa akin. "Ako lang naman ang pinaka-gwapong kanang kamay ni boss. Walang iba kundi si Tyron. Pangalan pa lang gwapo na no?!"
"Ang yabang! Pang aso naman yang pangalan mo. Yan ang pangalan ng aso ng kapitbahay namin eh."
Napatawa ng mahina ang dalawang maids. Si Tyron naman ay umusok ang ilong sa galit.
"Hoy, anong aso?? Baka gusto mong ipalapa kita sa aso?!"
Inismiran ko lang siya at hindi pinansin. Nakakainis din kasi siyang kausapin kagaya ng boss niya.
"That's enough," biglang salita ni boss.
"Pagsabihan niyo nga yang aso niyo, boss. Ang daldal eh," sabi ko.
"Aba! Aba! Ako pa ha??" sabi ni Tyron.
"I said enough!" You," sabay turo sakin. "Remember when I told you to stop calling me boss?!"
Napatakip ako agad ng bibig nung maalala ko na sinabi niya yun. Baka kasi putulin niya ang dila ko. Wag naman sana.
"Sorry. Ano ba kasi ang itatawag ko sayo? Hindi ko naman alam ang pangalan mo eh."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay ang alaga niyang aso ang nagsalita.
"Siya si Boss Jonathan Travis."
"Ahh. Ganun ba. Ang haba naman ng Jonathan. Pwedeng Nathan na lang?"
"Ano ka? Feeling close kay boss? Walang tumatawag sa kanya ng ganyan. Lahat kami ay boss ang tawag sa kanya at ang iba naman ay Sir Jonathan ang tawag."
"Paki mo ba? Eh yun ang gusto ko."
Sasagot pa sana si Tyron pero nauna ng sumigaw ang amo niya.
"Enough!" Saway ni boss este ni Nathan. Bagay sa kanya ang pangalan niya. "Hold her," utos nito at nagulat ako nung hinawakan ng dalawang lalake ang magkabilang braso ko habang nakaupo ako sa kama.
"Ano ba! Bitawan niyo ko."
Sinenyasan nito ang mga katulong kaya ang dalawa ay lumapit sa akin at sinubuan ako pero hindi ko binuksan ang bibig ko.
"Don't make me mad, woman! Eat now or I'll starve your family."
Family? Bigla akong kinabahan.
"Nathan naman. Huwag ka namang magbiro ng ganyan. Pamilya ko pa pinang-black mail mo sa akin."
Hindi na ako nagtataka bakit alam niya na may pamilya ako at kung nasaan sila. Alam kong pina-imbistigahan niya ako dahil madami siyang alam tungkol sa akin. Kaya nga natatakot ako para sa pamilya ko dahil madami siyang alam sa amin.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AcciónIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
