Nina's POVSimula nung gumaling ako, hindi na ako masyadong sinasama ni Nathan sa mga mission nila. Lagi nalang akong naiiwan sa bahay niya.
Tulad ngayon, sabi niya ay sa opisina lang siya pupunta pero hindi ako naniniwala kasi naman may opisina ba na nagbubukas ng 5am at umuuwi siya ng sobrang late na? Siya ba ang security guard doon para pumasok siya ng ganun kaaga? Daig niya pa ang mga empleyado niya sa sobrang aga niya.
May nililihim sa akin si Nathan eh. Malakas ang kutob ko na tungkol doon sa pagsabog ang inaasikaso niya. Akala ko kasama na ako sa mga plano nila pero nabago yun simula nung inamin niya na gusto niya ko. Hindi parin ako makapaniwala don hanggang ngayon. Minsan nga iniisip ko na joke niya lang yun eh. Pero hindi naman kasi marunong mag-joke yang si Nathan.
"Miss, handa na po ang tangahalian."
Napalingon ako kay Sanny at ngumiti sa kanya saka ako bumaba para kumain. Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa nakaupo na ako sa dining chair.
Ang daming pagkain na hinanda nila pero wala man lang akong kasama kumain. Naalala ko tuloy sina papa at mama. Sabay kami laging kumakain. Na-mi-miss ko na sila. Apat na buwan ko ng hindi sila nakikita. Kamusta na kaya sila?
"Sanny, samahan mo akong kumain," yaya ko sa kanya.
"Huwag na po, miss. Thank you nalang po."
"Sige na. Nakakawalang-gana kumain pag mag-isa eh," malungkot na sabi ko.
"Sige na nga po." Napangiti ako nung pumayag siya at naupo sa tabi ko.
Habang kumakain kami ay niyaya ko din kumain ang iba pang mga katulong na dumadaan pero ayaw nila eh.
"Nasan si Gloria? Bakit hindi ko siya nakita mula pa kahapon?"
"Kasi umuwi po siya sa kanila. Babalik din po yun, miss."
"Ah ganun ba."
Mabuti pa siya at nakakauwi sa kanila.
Buong hapon akong walang ginawa kundi ang tumunganga at maghintay na dumating si Nathan.
Gusto ko nga sana maglinis nalang dito kaya lang nalinis na nila lahat eh. Gusto ko din na tawagan si Nathan dahil may number naman niya ako kaya lang wala akong load. Si Sanny naman ay wala ding load.
Naglakad nalang ako sa garden. May mga guards na nagbabantay dito sa labas pero hindi naman sila nagsasalita o nakikipag-usap sa akin kaya tahimik lang ako.
Napadaan ako malapit sa gate. Nung makalapit na ako ay napansin ko na walang guard na nagbabantay. Imposible naman dahil kahit saang sulok ng bahay ay meron ngang nagbabantay eh. Baka nagbanyo siguro. Akmang aalis na ako nung may nakita akong lalake na nakatayo sa labas.
Ngumiti siya sa akin saka sinenyasan ako na lumapit sa kanya. Mukha namang maayos ang itsura ni kuya. Hahakbang na sana ako para lumabas nung may nagsalita.
"Bawal po kayong lumabas, miss."
Napalingon ako sa lalake na sa tingin ko ay siya yung guard.
"Kuya, sandali lang ako. May titingnan lang ako doon," sabi ko sabay turo ko doon sa lugar kung saan ang lalake.
"Hindi po talaga pwede, miss. Mapapagalitan po ako ni boss eh."
"Huwag kang mag-alala, kuya. Ako mismo ang magsasabi sa kanya na lumabas ako at saka sandali lang naman ako eh. Kahit bantayan niyo pa ako."
Napakamot ito ng ulo.
"Sige na, kuya, please?"
"Sige na nga. Balik po kayo agad ah?" Tumango ako sa kanya kaya binuksan niya na ang gate. Lumabas ako agad.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...