Chapter 5: Party

42.6K 1.1K 34
                                        


"Wow!"

Ako ba ito? Mukhang hindi eh. Medyo nag-iba ang itsura ko nung minake-upan ako at inayusan. Ngayon ko lang nakita ang itsura ko na ganito ang ayos. Grabe pala ang nagagawa ng make up sa mukha ng tao.

Humarap ako kina Sanny at Gloria pati narin sa mga nag-ayos sa akin.

"Ang ganda-ganda niyo, miss!"

"Grabe, miss. Kayo na ang pinaka-maganda doon sa pupuntahan niyo!"

Natawa ako sa sinabi nila. Ewan ko kung binobola ba nila ako o ano. Pero nagpasalamat nalang ako.

"Salamat. Salamat din po sa inyo sa pag-ayos niyo sakin. Umiba ang itsura ko. Ang ganda ko na oh." Natawa ako sa sinabi ko.

"Maganda naman po talaga kayo. Gumanda lang kayo lalo nung naayusan."

"Nako, salamat."

"You're welcome. Aalis na po kami," paalam nila sa akin saka lumabas na.

Hindi ko talaga mapigilan na tingnan ulit ang sarili ko sa salamin. Bihira lang kasi akong magbihis ng ganito kaganda. Naka-green akong gown at nakalugay ang buhok ko na naka-big curls sa ibaba.

Tumitingin parin ako sa salamin nung may pumasok na dalawang guards sa kwarto at sinabing hinihintay na ako ni Nathan sa ibaba kaya lumabas na ako.

Nakasunod ako sa dalawang guards. Habang naglalakad kami sa hallway ay napansin kong ang daming paintings at antiques sa bahay na ito. Dumaan kami sa mahabang hagdan kaya todo ingat ako kasi ang taas ng stiletto ko. Pagkababa namin, bumungad sa akin ang napakalawak na sala. May piano sa gilid at may mga mahahabang sofa.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at sa wakas, pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad sa malaking bahay na ito ay nakalabas narin kami ng bahay at nakita ko na nakahilera ang mga itim na kotse dito sa labas at may isang limousine sa gitna. Sa tabi nun ay doon nakatayo si Nathan.

Lumapit ako kung saan siya nakatayo.

"Hi, Nathan! Maganda ba??" Sabay pakita ko ng gown ko sa kanya habang nakangiti ako ng malawak.

"Nothing changed. Let's go," walang gana nitong sabi.

Napanganga ako sa sinabi niya. Nothing changed? Pero bakit kanina ay nakita ko ang pagka-amazed sa mga mata niya habang nakatingin ito sa ayos ko? Hindi ata siya marunong mag-appreciate ng mga bagay.

Binuksan na ng guard ang pinto ng limousine at ako ang unang pumasok sunod ay si Nathan. May mga drinks dito sa loob. May big screen TV din. Parang bahay lang ang loob. Napatingin ako kay Nathan na nakaupo sa harapan ko pero sa ibang direksyon siya nakatingin.

Tahimik lang kami habang bumabyahe. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita pero makalipas ang ilang sandali ay ako na ang nagsalita dahil may tanong ako.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"You will know when we get there," bored na sagot niya sakin.

Bakit laging ganito siya? Ang monotone ng boses niya. Hindi ko alam kung ako ba ang bored kausap o siya dahil wala siyang gana kung magsalita. Wala din siyang sense of humor. Ang seryoso niya lagi tingnan.

Nagkaroon lang ng ingay nung may tumawag sa kanya at sinagot niya iyon. Pagkatapos niyang makipag-usap ay tumahimik na naman ulit.

Nag-isip ako ng pwede namin pag-usapan at nung makaisip ako ng pwedeng pag-usapan ay agad akong nagsalita.

"Nathan?" tawag ko sa kanya.

"What?" sabi niya na parang hindi man lang niya ako makuhang tingnan.

Welcome to the Mafia WorldMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon