Nina's POVNakasuot ako ng napakagandang black dress at black pumps na four inches ang taas para sa party. Naalala ko pa kung gaano kamahal ang damit na ito na pinagawa talaga ni Nathan. Pinagsabihan ko siya nung malaman ko na ang mahal pala nito. Pero parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Barya lang kasi para sa kanya yun eh.
"Nathan, umuwi nalang kaya tayo?" sabi ko nung nasa labas na kami ng mansion nitong tito niya, siya yung naghost ng reunion party na ito.
Mas lalo pa nitong hinigpitan ang kapit ng kamay ko sa braso niya habang papasok kami sa loob bago siya tumingin sa akin.
"We are already here. There's no turning back. Don't worry, I'm here beside you. Don't be nervous, okay?" sabi niya saka hinalikan ang kamay ko.
Bigla nanaman akong nag-blush dahil sa ginawa niya. Nawala paunti-unti ang kaba ko dahil sa ginawa niya. Kahit na sa kamay lang iyom. Iba talaga ang epekto ni Nathan sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumuloy nalang at pumasok sa loob.
Lahat ata ng tao na nandito ay kilala si Nathan kasi naman pagkapasok palang namin ay binati agad siya ng mga tao at madami ang nakangiti sa kanya.
Sabagay, family reunion kaya nila ito. Malamang kilala siya ng mga tao dito.
"Hey, Jonathan! Nice to see you again."
Isang may edad na babae ang lumapit sa amin at nakipagbeso kay Nathan.
"Hi, auntie. Long time no see."
"I know... It's been awhile. You no longer attend my business parties anymore, that's why. What made you so busy?"
Tumikhim si Nathan saka tumingin sa akin kaya naman ay tumingin din sa akin ang tita niya na kausap niya. Ngumiti ako sa tita niya bago sumimangot kay Nathan.
Ngumiti ang tita niya ng makahulugan. "Oh... So you are dating someone. Is she the reason why my dear nephew is so busy these days?" Ngumiti sa akin ang tita niya saka nakipagbeso na hindi ko inasahan. "Nice to meet you, hija. You are so gorgeous! Please make my dear Jonathan happy, okay? He never introduced someone special to us before so please take care of his heart," may halong tukso na sabi nito.
Sasagot sana ako sa sinabi ng tita niya pero inunahan ako ni Nathan.
"Auntie, you don't have to tell her that," sabi ni Nathan.
"But I wanted to. Anyways, I am glad to meet your woman. You two enjoy the party while I catch up with the oldies. See you both later!" Paalam niya sa amin.
Nakangiti ako nung humarap sa akin si Nathan at niyaya akong maglakad na. Pagdating namin sa isang table na may mga tao ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya dahil doon sila napapatingin. Na-awkward tuloy ako.
"Mom, we're here."
Nagulat ako nung narinig ko ang sinabi ni Nathan dahil hindi ko alam na nandoon pala si Tita Clarisse. Hindi ko siya nakita kasi nakatalikod siya sa gawi namin. Nung humarap siya sa amin ay todo ngiti siya sa amin especially sa akin. Tumayo siya at nakipagbeso sa akin bago siya humarap sa mga kasamahan niya.
"Family and friends, I would like you all to meet Nina, my son's girlfriend and soon to be wife." Namula ako bigla nung marinig ang pakilala ni tita sa akin sa mga tao.
Nakakahiya. Hindi pa naman kami ni Nathan eh. Hindi ko nga maalala kung nagtanong ba sa akin si Nathan na kung pwede na maging girlfriend niya ako.
"Hi, Nina! Nice to meet you, hija," bati nilang lahat sa akin.
Puro may mga edad na ang nakaupo sa table na ito. Lahat sila ay nagpakilala sa akin pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila.
Pagkatapos makipagbatian ay pinaupo nila kami ni Nathan sa dalawang bakanteng upuan. Dito din nakaupo sa table na ito ang parents ni Nathan.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...