Chapter 35: Special Day

27.9K 746 39
                                        


Nina's POV

"Sa wakas! Makakalabas na rin ako ng hospital!" Masayang sabi ko.

Naglalakad ako palabas ng hospital habang inaaalalayan ako ni Nathan. Nauna ng umuwi sina mama at papa. Nasa bahay na sila at hinihintay nila kami.

"Nathan, paano yan? Sa bahay na ako uuwi. Dadalawin nalang kita sa bahay mo. Ikaw din dalawin mo nalang ako sa bahay pag hindi ka busy," sabi ko kay Nathan pagkasakay namin sa kotse niya.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang siya ng tipid sa akin.

Feeling ko hindi siya masaya na uuwi ako sa bahay pero wala siyang magagawa dahil iyon ang gusto nina mama at papa.

Tahimik lang kami ng ilang sandali. Nung napatingin ako sa labas ay napakunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan papunta sa bahay namin ah?" Nagtatakang tanong ko. Hindi rin ito ang daan papunta sa bahay niya. "Nathan, saan tayo pupunta? Huwag mong sabihin na itatanan mo ako?? Magagalit si mama!"

Natawa siya sa sinabi ko. "Silly. You'll know when we get there," sabi niya saka nagpatuloy lang sa pagda-drive.

Tumahimik nalang ako kasi mukhang wala naman siyang balak sabihin sa akin kung saan kami pupunta.

Nakatulog habang nasa byahe tapos paggising ko ay wala na si Nathan sa loob ng kotse. Ako lang nandito. Napansin kong nakahinto na rin ang kotse at pagtingin ko sa labas, nakita kong nasa isang magandang lugar ako.

Saan ang lugar na ito? Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito.

Teka, nasaan na ba kasi si Nathan at bakit iniwan niya akong mag-isa dito? May meeting ba siya at sinama pa talaga ako para maghintay sa kanya? Tsk.

Binuksan ko ang pinto saka lumabas ako ng kotse. Nagulat pa ako nung may lumapit sa akin na babae.

"Ma'am, kanina ko pa po kayo hinihintay. Ako nga po pala ang mag-aayos sainyo," pakilala niya.

"Mag-aayos para saan?" takang tanong ko.

"Tara na po ma'am," sabi niya saka nag-umpisang maglakad na. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

"Ate, bakit ang gara naman dito? Saan po ba tayo? Saka ano po ba ang meron dito?"

Nasa isang malawak na garden kasi kami at madami ang nagkikintaban na mga ilaw mula sa mga puno at may mga designs doon.

"Malapit na po tayo, ma'am," sabi niya imbis na sagutin ang tanong ko.

"Ate, hindi po iyon ang tanong ko. Ang sabi ko po ay kung saan—"

"Nandito na po tayo, ma'am. Pasok na po kayo sa loob," sabi niya sa akin. Hindi ako gumalaw kaya naramdaman ko nalang na mahina niya akong tinulak papasok sa kwarto na nasa harapan namin.

Pagpasok ko ay nakita ko ang dalawang babae na nakangiti sa akin.

"Time to do some magic," sabi nung isa saka ako nilapitan at hinila paupo sa harap ng isang salamin saka inayusan ako.

"Mga ate, ano po ba ang nangyayari?"

Naguguluhan kasi ako sa nangyayari. Para akong ikakasal base sa klase ng pag-aayos nila sa akin pero imposible naman na ganun. Hindi pa nga kami mag-boyfriend ni Nathan eh. Wala naman siyang tinatanong sa akin. Hindi niya rin ako niyaya na magpakasal sa kanya.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon