Nina's POV"Nathan, makulit kaba nung bata?"
"That's what my mom told me."
"Eh matalino ka naman ba?"
"I guess."
"Ang yabang ah. Tsk," sabi ko pero agree naman ako kasi matalino talaga si Nathan. "Hala! Ang cute-cute mo naman dito!"
Tinuro ko ang isang picture niya na nakangiti siya habang nakahawak sa laruan niya. Kanina pa ako naghahalungkat dito ng mga litrato niya. Nakita ko kasi ang mga albums niya nung bata pa siya na nakalagay sa kwarto niya kaya kinuha ko ang mga ito at tiningnan. Hindi naman siya nagalit.
"Tsk. Cute is for dogs."
"Hahahahaha!"
Natawa ako ng malakas. Paano ba naman kasi, nakita ko si Nathan na umiiyak sa picture. Nakakatawa ang itsura niya. Kita ang sipon niya at nakanganga pa siya.
"Hey, don't laugh. It's not funny."
"Anong hindi? Nakakatawa ang itsura mo dito! Hahahaha!"
"What the?"
"Boss, nakita na po namin siya at nasa basement na po siya." Biglang sumulpot si Tyron dito sa sala.
"Good. Let's go."
"Tyron, tingnan mo to oh! Nakakatawa si Nathan dito." Pinakita ko kay Tyron ang picute at tumawa din siya sa nakita.
"Si boss... pfft!"
Biglang may humablot sa album na hawak ko kaya wala na ito sa kamau ko. Syempre sino pa ang kumuha nun eh di yung taong pinagtatawanan namin.
"Enough. I said let's go."
"Kasama ako?" nagtatakang tanong ko. Tumango si Nathan sa akin. "Bakit?"
"You will know why."
Sumunod kami kay Nathan. Nasa likod lang niya kami at palihim na tumatawa. Pero itong si Tyron ay malakas talaga tumawa.
"Stop laughing," inis na sabi niya.
Narinig niya kami kaya tumigil na kami sa kakatawa bago pa niya kami pagalitan.
Pagkapasok namin sa basement ay agad naupo si Nathan sa ibabaw ng mesa niya. Teka... Bakit may lalaking nakaupo at nakatali ang mga kamay?
"Do you remember him?" tanong ni Nathan.
Napatingin ako sa lalake. Napakunot ang noo ko nung makita ng maigi ang mukha niya. Tumango ako kay Nathan nung makilala ko ang mukha nito. Nagulat ako kung bakit siya nandito.
"You can do whatever you want to do with him. He is all yours."
Napatingin ako sa lalaking humabol sa akin dati. Ang lalaking ninakawan ako at muntik na akong pagsamantalahan. Siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kung saan ako ngayon. Dahil sa kanya kaya madami akong hirap, takot at delikadong pinagdaanan.
"Maawa ka sakin, miss. Huwag niyo po akong patayin. Patawad. Patawad sa ginawa ko sayo noon. Maawa ka sakin," pakiusap niya at parang takot na takot siya.
Lumapit ako sa kanya. Nakaramdam ako ng takot pero nakatali naman ang mga kamay niya at nandito naman ang mga tauhan ni Nathan kaya hindi ko pinansin ang takot na nararamdaman ko
Lumuhod ako sa harapan niya para magkapantay kami.
"Anong pangalan niyo?"
Hindi siya sumagot. Tsk. Private na tao ata siya. Magtatanong lang naman sana ako eh para alam ko ang itatawag sa kanya. Pero ayaw niya sabihin so huwag nalang.

BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...