"Sigurado na po ba kayo dito, miss?" tanong sakin ni Gloria.Naikwento ko na kasi sa kanila ang nangyari kagabi at ang naging pag-uusap namin ni Nathan kanina. Pero hindi ko sinabi ang pinag-usapan namin ni Tyron. Sa aming dalawa na lang kasi iyon.
"Oo. Sigurado na ako. Kung gagawin ko man ito o hindi, isa lang rin naman ang kakahantungan ko. Mas mabuti na may gawin ako para madugtungan ang buhay ko para kahit papaano ay matagalan ang suporta ni Nathan sa pamilya ko."
Kailangan pa kasi ako nila mama at papa. Kailangan pa nila ng tulong ko. Kasi alam ko na pag wala na ako, titigil din ang pag papadala ni Nathan ng pera sa mama ko. Gagawin ko to para sa mga magulang ko.
"Mag-ingat po kayo, miss, ha?"
"Opo, mag-ingat po kayo. Balik po kayo dito na buo at humihinga pa."
Natawa ako sa sinabi nila. "Ano ba kayo. Parang kayo pa ang takot kesa sa akin."
"Eh talaga naman pong natatakot kami para sainyo eh. Alam niyo naman pong napamahal na rin kayo sa amin kahit ilang linggo palang po tayong magkakilala."
Na-touched ako sa sinabi nila kaya nilapitan ko sila at niyakap ng sabay.
"Salamat sa inyong dalawa. Mag-iingat ako," sabi ko saka bumitaw ng yakap. "Pinaiyak niyo ko," natatawang sabi ko.
"Okay lang yan, miss. Ang ganda niyo parin naman kahit umiiyak."
Natawa ako sa sinabi nila.
Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko at pagkatapos magsuot ng black na leather jacket ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad ako ay naalala ko ang nangyari kanina.
Pagkatapos kong mag-isip, pinuntahan ko si Nathan. Lumabas ako ng kwarto saka ko tinanong sa guard na nakasalubong ko kung nasaan si Nathan at ang sabi niya ay nasa kwarto niya ito. Sinabi ko sa kanya na kung pwede niya akong samahan sa kwarto nito dahil hindi ko alam sa laki ba naman ng bahay na 'to baka mahirapan akong mahanap.
"Bakit po, miss? Pinapatawag po ba kayo ni boss?" tanong nito sakin.
Sanay narin ako na makita sila araw-araw na may hawak na baril.
"Hindi pero gusto ko siyang makausap."
"Baka po, miss, pagalitan tayo ni boss. Bawal po kasi pumunta doon pag hindi niya sinabi. Tanging si Sir Tyron lang ang nakakalabas pasok doon."
"Kuya, hindi naman po kayo ang papasok eh, ako lang naman. Kaya pag nagalit siya, ako lang ang papagalitan, kuya. Please ituro niyo na po," paawa ko sa kanya.
"Sige na nga. Sundan mo lang ako."
Nagsimula na siyang maglakad at sumunod nga ako sa kanya. Malayo pala sa akin ang kwarto ni Nathan kasi lumiko pa kami sa dulo at naglakad sa mahabang pasilyo bago tumigil si kuya guard sa tapat ng isang pinto kaya tingin ko nandito na kami sa kwarto ni Nathan.
"Salamat po, kuya. Huwag kang mag-alala. Pag nakalabas ako dito, bibilhan kita ng ice cream," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Kayo talaga, miss," natatawang sabi nito.
Napangiti ako nung makita si kuya na tumawa. Marunong naman pala silang tumawa eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/41093065-288-k679213.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...