Clarisse's POV"These are useless! Does any of you have a useful information?! " Nagwawala na sa galit ang anak ko.
Ilang linggo na pero wala parin silang nakuhang information sa kung saan si Nina.
Jonathan had been very frustrated these days and I knew why. I knew what he had done just to find her.
"Wala parin ba kayong lead?" tanong ko.
Naiinip narin ako kakahintay. Nina's in trouble at kinakabahan ako for her. I wouldn't forgive myself if something bad happened to her. She was under my care pero napabayaan ko siya.
"Wala pa po, madame. Pinuntahan namin lahat ng properties ni Mike Lopez at pati narin ang pinagta-trabahuhan niya pero naka-leave daw siya. Pinuntahan din namin ang mga lugar na madalas niyang puntahan pero walang trace niya," paliwanag ni Tyron.
"He is really a wise man," sabi ng anak ko.
"Then we should be wiser than him." Agad akong lumabas pagkasabi ko nun.
"Mom, where are you going?"
"I am going to do something important," I answered without looking at him.
I needed to protect her. I would be willing to sacrifice my life for her. She became important to me and I knew that she was important to my son too.
* * *
Nina's POV
Masaya ako dito sa bahay ni Mike. Dalawang linggo na ako dito pero kahit kailan ay hindi ako nabagot. Kahit kasi anong gusto kong gawin ay pinapayagan niya ako. Hindi katulad ni Nathan na madaming bawal. Tsk. Lagi akong naglilibot sa malawak na sakop ng bahay niya kagaya ng garden, kitchen, library, music room, movie room at pool area niya. Nag-aalaga din ako ng mga bulaklak sa garden niya kaya aliw na aliw ako dito.
Sobrang bait rin ni Mike sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan. Bago siya umalis ng bahay niya ay nagpapaalam muna siya sa akin kahit hindi naman kailangan. Madalas din kaming sabay kumain. Minsan ako ang nagluluto bilang pasasalamat sa kanya sa pagligtas sa akin.
Natutuwa ako kay Mike dahil ang bait niya. Minsan nga ay parang ini-spoiled niya na ako dahil pinagbibigyan niya ako sa maraming bagay. Parang bumalik tuloy ang paghanga ko sa kanya gaya ng dati.
Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi nila Nathan na masama si Mike. Mali lang sila ng pagkakakilala sa kanya.
Ang pinaniniwalaan ko ay yung si Nathan talaga ang masama gaya ng sabi din ni Mike. Hindi sana ako nagtiwala sa kanila. Muntik ko pang malagay sa pahamak ang buhay ni Mike dahil sa pagsunod ko sa kanila.
Nag-sorry na rin ako kay Mike. Sinabi ko kasi sa kanya ang plano namin dati. Yung plano na muntik ng mapahamak si Mike. Nakapagtataka na hindi siya nagalit man lang nung sinabi ko sa kanya yun pero nagpasalamat naman siya dahil daw sinabi ko sa kanya ang tungkol doon.
Heto ako ngayon at kakatapos ko lang magdilig ng halaman kaya pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina.
"Ano kaya ang masarap lutuin?" tanong ko sa sarili ko. Napaisip ako.
Kaming dalawa lang ni Mike ang nakatira ngayon dito sa bahay niya. Madalas siya umaalis at gabi na siyang umuuwi. Sabi niya, marami daw kasi siyang trabaho sa hospital. Kaya dapat tuwing umuuwi siya, sinisigurado kong may pagkain ng nakaluto para naman hindi na siya mag-abala pang magluto dahil alam kong pagod na siya.
Ilang minuto ay natapos na rin akong magluto. Tinanggal ko ang apron na suot ko at lumabas ng kusina dahil narinig ko na ang sasakyan ni Mike na kakarating lang kaya naman balak kong salubungin siya.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AcciónIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...