Nina's POVSa wakas! Nakalabas na rin ako ng hospital! Magaling na ang sugat ko sa tiyan. Medyo kumikirot lang ang tahi dito pag gumalaw ako ng sobra. Pero okay na talaga ako. Salamat talaga at pumayag na si Nathan na lumabas na ako ng hospital. Kainis nga eh tuwing napatayo ako ng mabilis at narinig niyang nag 'ouch' ako ay sasabihin niya agad na huwag na daw muna kami umuwi dahil hindi pa ako okay. Hay nako buti nalang at effective ang paawa ko sa kanya.
"No jumping, running, swimming, cleaning, working and any extreme activities for you. I already told all of them to tell me if you didn't follow my orders."
Kainis din itong si Nathan eh. Kanina niya pa ako pinapaalalahan tungkol sa mga bagay na hindi ko pwedeng gawin.
"At pag hindi ako sumunod?"
"I'll bring you back to the hospital."
"Seryoso ka??"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Does it look like I am joking?"
Napanguso nalang ako dahil mukhang seryoso nga siya.
Pagdating namin sa bahay niya ay agad na sinalubong ako nina Sunny at Gloria.
"Hi, miss!" May malawak na ngiting bumati sila sa akin.
"Na-miss ko kayo!!!" Niyakap ko sila ng mahigpit. Missed ko sila ng sobra. Akala ko nga hindi ko na ulit sila makikita ulit eh.
"That's enough hugging. Go to your room and rest now." Ito namang si Nathan may pagka-KJ din eh. Ngayon nga lang ulit kami nagkita nina Sanny at Gloria tapos sinisira niya pa ang moment namin.
Kumain lang ako ng konti at natulog buong araw. Napasarap ang tulog ko. Paggising ko ay si Nathan agad ang hinanap ng mga mata ko. Ayan na naman ako. Bakit parang hinahanap-hanap ko na siya lagi ngayon?
Ang weird. Mukhang iba na ito ah. Hindi naman ako ganito dati. Baka dahil nasanay ako na siya lagi ang kasama ko sa hospital at siya ang una kong nakikita lagi paggising ko. Baka yun nga yung rason.
Naghilamos ako at nag-toothbrush bago lumabas ng kwarto para puntahan si Nathan.
"Edgar!" tawag ko kay Edgar na nakita kong naglalakad sa hallway.
Humarap naman siya sa akin at yumuko ng kaunti. "Yes, miss?" Sobrang galang naman ng salubong niya sakin.
"Nakita mo ba si Nathan? Nakaalis na ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko po, hindi pa si boss nakakalabas ng kwarto niya."
"Ganun ba. Sige, salamat pupuntahan ko nalang siya doon.
Kabisado ko na ang daan papunta sa kwarto ni Nathan kaya hindi na ako nagtanong sa mga taong nadadaanan ko. Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
Pagkapasok ko ay nakita kong nakahiga pa si Nathan sa kama niya at natutulog ng mahimbing. Nilapitan ko siya at umupo sa kama niya saka pinagmasdan siyang mabuti. Ang ganda ng mukha ni Nathan sa totoo lang. Ang tangos ng ilong niya at makinis ang mukha niya. Nahiya ang mukha ko sa kanya dahil mukhang mas alaga pa yung kanya kesa sa akin.
Hinawakan ko ang mukha niya at napunta ang kamay ko sa nakapikit na mata niya tapos sa cheeks niya tapos sa matangos na ilong niya. Ang smooth ng balat niya. Ano kaya ang skin care niya bakit wala siyang open pores? Tapos binaba ko ang kamay ko papunta sa lips niya pero bago pa ako makahawak sa labi niya ay hinawakan ni Nathan ang kamay ko kaya natigilan ako.
Nakita kong dinilat niya ang mga mata niya saka tumingin sa akin ng seryoso. "You woke me up," parang may paninisi na sabi nito sa akin.
"S-Sorry," paumanhin ko sabay bawi ng kamay ko sa hawak niya pero hindi ko nagawang bawiin ito dahil hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AzioneIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...