"Gising na po."
"Miss, gising na."
Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ang dalawang babae na naka-uniporme na parang mga katulong.
"Sino kayo?" tanong ko sabay upo sa kama.
"Ako po si Sanny at siya naman po si Gloria. Kami po ang inyong utusan. Kaya kung may kailangan po kayo, pwede niyo po kaming tawagin ano mang oras."
"Utusan?"
Bakit meron akong utusan? Sa pagkakatanda ko, bihag nila ako at kinulong sa kwartong ito. May utusan ba ang isang bihag? Nakakapagtataka naman.
Anong nangyayari?
"Opo," sabay nilang sagot.
"Pero bakit? Kinulong nila ako dito pero may mga utusan ako?" takang tanong ko.
Inikot ko ng tingin ang buong kwarto. Pati ang pinagdalhan nila sa akin ay hindi normal na kulungan ng isang bihag. Ang ganda kasi nitong kwarta at nakahiga pa ako sa isang malambot at magandang kama. Sakto lang ang laki ng kwarto at kulay puti ito.
Saan ako? Hindi ko alam kung nasaan ako dahil may pinaamoy sila saakin tapos nawalan ako ng malay bago nila ako dalhin dito kaya hindi ko alam kung saang lugar 'to. Ang alam ko lang, bahay ito ng boss nila dahil yun ang narinig ko na utos niya sa kanila kanina.
"Hindi po namin alam. Sumusunod lang po kami sa utos ni boss," sabi nung Sanny.
Tumango-tango nalang ako kahit naguguluhan parin ako sa nangyayari.
"Miss, kailangan niyo na pong kainin itong dala naming breakfast sainyo dahil maya-maya po ay pinapapunta kayo ni boss sa library. Ayaw po niya ma-late kayo dahil ayaw po ni boss na naghihintay siya," paliwanag ni Gloria.
Mababait din naman pala silang dalawa. Siguradong magkakasundo kami. Buti pa sila. Ang iba, sobrang sungit nila at hindi makausap.
Napatango ako sa kanya saka kumain na baka ma-late pa ako mamaya at magalit pa sa akin ang boss nila. Sobrang nakakatakot pa naman yun.
Naiilang ako habang kumakain dahil nakatingin sila sa akin at naghihintay sa gilid. Nako-conscious talaga ako.
"Gusto niyo?" Yaya ko sakanila pero sinabi nilang hindi daw nila gustong kumain. "Kumain na ba kayo?"
"Opo," sabay ulit nilang sagot.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Tinuro ng dalawa sa akin kung saan ang closet ko at may mga gamit na doon na pwede ko daw gamitin.
Nakapagtataka talaga. Bago na pala ngayon? Preso kana nga, may marami kapang bagong damit, mamahaling sapatos at bags. Sa vanity, ang dami ding pambabae na gamit at mga mamahaling pabango. Ini-spray ko lahat dahil sobrang bango ng mga ito.
Ang mga gamit sa kwartong ito ay malamang na ang mamahal. Ano kaya ang itsura ng buong bahay? Feeling ko malaki. Mukhang ang yaman nila pero bakit nakakatakot sila?
"Naghihintay na daw si boss sa library, miss. Kayo nalang ang kulang."
"Ganun ba. Sige, Sanny. Tara na baka pareho pa tayong masigawan hehe."
Naglakad na kami papunta doon sa library na sinasabi nila. Pagkalabas ko palang ng kwarto ay hallway na agad ang bumungad sa akin at napakaraming pinto kaming nadaanan at may mga antique na vases at frames na mga naka-display. Carpeted din yung sahig. Grabe. Mansion ata ito.
Tumigil na ang dalawa kaya sa palagay ko ay nandito na kami sa library na tinutukoy nila. Binuksan nila ang pinto sa harapan namin.
"Pasok na po."
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AksiIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
