Chapter 12: Dinner Date

37.8K 1K 142
                                        


Kanina pa ako nakatingin sa menu book na hawak ko pero ni isa ay wala akong familiar na pagkain na nakitang nakalagay sa menu.

"Can I now take your order, maam, sir?"

Nako ayan na ang waiter. Hindi pa nga ako nakapili. Alin ba kasi dito ang masarap?

"Ah... Meron ba kayong adobo dito? Yun lang ang sakin—"

"Po?" Naguguluhang tanong nito.

"Ah ano—"

"We'll take two orders of pollo parmigiano and also two orders of polpetta for desert."

"Okay, sir, and for your drinks?"

"Just two red wines."

"Okay, sir." Sabay kuha nito ng menu book sa amin dahil tapos na kaming mag-order.

"Grazie," sabi ni Nathan.

Nung umalis ang waiter ay agad akong tumingin kay Nathan.

"Uy Nathan, masarap ba yung inorder mo para satin ha??"

"Can you speak decently? People can hear you," saway nito sakin.

Oo nga pala. Nasa isang fancy restaurant pala kami. Ang sosyal pa naman ng mga nandito.

"Nagtatanong lang naman." Sabay pout ko. "Ang mamahal naman kasi ng mga pagkain nila dito. Kahit hindi ako familiar sa pangalan ng mga pagkain nila, alam kong ang mahal na kasi ang sosyal ng pangalan."

"I said lower down your voice. Stop worrying about the price because I'll be the one who will pay it anyway."

Nagsusungit na naman po siya. Porket mayaman siya ay gagastos na siya ng mahal.

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

"Ah siguro dahil hindi ka marunong magluto no? Hindi gaya ni Tyron kahapon na pinagluto ako. Okay lang naman na hindi mo ako mapagluto eh. Hindi mo kailangang ma-insecure sa kanya."

"What are you talking about? I'm not that kind of person who gets insecure with other people. That's so immature!"

Sus. Ayaw niya lang umamin eh. Pero hayaan na nga ang topic na yan.

"Teka, bakit hindi natin isinama si Tyron?"

Napansin ko kasi na dalawang tauhan niya lang ang kasama namin. Wala si Tyron.

"Can you please stop mentioning other people's name here!" Galit ngunit nagpipigil na tumaas ang boses na sabi niya sakin.

Sasagot pa sana ako pero dumating na ang order namin kaya doon napunta ang atensyon ko. Pinagmasdan ko isa-isa ang bawat plato na nilagay ng waiter sa table namin.

"Enjoy your food, ma'am and sir," sabi nito saka umalis na.

Kumunot ang noo ko nung nakita ko ang pagkain ko.

"Nagtitipid ba sila? Bakit ganito lang kadami ang laman ng plato? Isang order palang pero 600 pesos na tapos hindi man lang mapuno ang plato??"

Ang dami pa kasing space sa plato eh saka medyo kaunti lang ang meat. Mas madami pa ang gulay. Maganda lang ang plating nito kaya siguro mahal.

Napailing nalang ng ulo si Nathan. Hindi man lang ako sinagot at kumain lang siya kaya kumain nalang din ako.

"Ano ba yan. Hindi man lang ako nabusog," sabi ko saka inubos ang wine sa baso.

"Do you want me to order again?" tanong niya habang nagpupunas ng bibig gamit ang table napkin.

Umiling ako. "Huwag na. Sa bahay nalang ako kakain, mas masarap pa dito ang luto ni manang saka mas madami pa."

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon