Nina's POV
"Sasama ako!"
"No."
"Magaling na kaya ako. Look!"
Pinakita ko sa kanya ang tahi ko sa tiyan na nahilom na at scar na lang ang naiwan.
"It's still a no."
Tumalon-talon ako saka nag-jumping jacks sa harap niya para ipakitang malakas na ako. "Oh? See? Kaya ko ng tumalon ng mataas ng walang may nararamdaman na masakit kaya pumayag kana, Nathan. Malakas na ko!"
He sighed and said, "Fine. Just hurry I'll wait for you here."
Nagmadali akong umakyat papunta sa kwarto saka nagbihis. Nag-dress ako kasi sa opisina kami ni Nathan pupunta. Sigurado na formal ang mga damit ng mga tao doon kaya kailangan maayos din ako tingnan.
Pagkatapos kong magbihis ay agad kaming umalis papunta sa company niya na kung saan kanina pa ako excited na makita. Sabi niya kasi kailangan na niyang pumasok sa trabaho dahil matagal na siyang absent kaya sumama ako sa kanya kasi na bo-bored na ako dito sa bahay niya. Hindi kasi ako nakalabas ng bahay simula nung makauwi ako galing hospital. Ang strict kasi ng isang to. Madaming bawal sa kanya.
Tsk.
* * *
"Wow!"
Ang taas kasi ng building. Sa kanya ba talaga ito? Madalas ko na itong nakikita dati so sa kanya pala ito. Grabe!
"Welcome to my other world," sabi nito sa akin pagkalabas niya ng kotse.
Hinawakan niya ang kamay ko habang papasok kami ng bulding niya. Nakatingin tuloy sa amin ang mga tao at gulat na gulat sila na makitang may kasama si Nathan. Nahihiya ako dahil hindi naman kami ni Nathan. Nag 'I like you' lang siya sa akin pero hanggang doon lang. Ano ba dapat kami pag ganun?
"Good morning, sir," bati sa kanya ng mga employees niya.
Hindi man lang niya pinapansin ang mga bumabati sa kanya. Pati pagsakay sa elevator ay may sarili siyang sinasakyan na para lang sa kanya. Ayaw siguro nito na may mga kasama. Pagkarating namin sa floor ng office niya ay agad siyang sinalubong ng secretary niyang babae.
"Good morning, sir. Welcome back."
Humarap sa akin si Nathan.
"This is Nina. Nina, she is Darna, my secretary."
Nakipagkamay ako sa kanya pagkatapos kaming maipakilala ni Nathan sa isa't isa.
"Nice to meet you, maam."
"Nina na lang. Nice to meet you too, Darna, nakangiting bati ko sa kanya.
Pumasok na kami sa opisina ni Nathan at dumiretso siya sa upuan niya. Naupo din ako sa upuan na nasa harapan niya. Nakita ko ang tambak na mga folders sa mesa niya.
"Ang dami ah. Gagawin mo lahat ng to?" Tanong ko.
"Yeah. I missed a month of work so I have to double time." Saka siya kumuha ng isang folder at sinimulan na ang trabaho.
Inopen rin niya ang laptop niya at may tiningnan sabay basa ng papel na nasa folder. Ang seryoso ni Nathan pagdating sa trabaho. Masipag din siya.
"Sorry kung dahil sa akin kaya tambak ang mga trabaho mo," paumanhin ko sa kanya.
Humarap siya sakin. "It is not your fault. It was my decision. Don't feel bad about it. And besides, these are not that difficult to do. I am used to this kind of work, so do not worry about me."
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
