Tiningnan ko ang dalawang kasama ko sa kabilang table na parang sinasabing 'wala pa ba?' pero nagkibit-balikat lang sila sa akin bilang sagot. Naiinip na ako dito kakahintay.
"O-order kaba, miss?" Tanong ng waiter sa akin.
Na-aalibadbadan na yata sakin itong waiter. Kanina pa kasi ako nakaupo dito pero ni isang beses ay hindi pa ako nag-order. Ang tagal kasi ng Sanchez na yun eh. Hindi pa siya dumating dito sa club.
"Hindi pa eh. Bakit po ba kayo tanong ng tanong?" Naiiritang sabi ko. Ilang beses na kasi niya akong tinatanong.
"Eh kasi, miss, kanina pa nga din kayo nakatunganga diyan. Aba, eh bawal dito ang mag-akupara ng mesa pag hindi naman pala o-order. Ako po yung mapapagalitan eh."
"Mamaya na kasi, kuya. May hinihintay pa po ako eh."
"Sino ba kasi ang hinihintay mo? Boyfriend mo ba? Baka hindi kana sisiputin nun. Ang tagal mo ng naghihintay dito eh."
Aba chismoso din itong si kuya eh. Pati yan tinatanong pa.
"Boyfriend?? Nagpapatawa kaba, kuya? Wala po akong boyfriend."
Wala naman talaga. Since birth pa nga eh.
"Wee? Sa ganda mong yan?"
"Wala nga po."
"Weee?!"
"Wala nga po! Gusto mo tayo nalang, kuya?" biro ko. Taas-baba pa yung kilay ko niyan.
"Aba huwag na no. Lugi pa ako sayo."
Napanganga ako sa sinabi ni kuya. Aba Aba! Ang arte ni kuya akala mo... Tsk! Choosy pa siya.
"Ewan ko sayo, kuya. Alis na po kayo baka hindi ko makita ang hinihintay ko dahil kinakausap niyo ako."
"Basta isang oras na lang, miss, ha? Pag hindi pa kayo nag-order, mapipilitan akong paalisin kayo dito."
"Oo na po, kuya." Ang sungit eh.
Tiningnan pa ako nito ng maigi bago umalis. Nginitian ko nalang siya.
Ilang minuto akong nakatingin sa entrance nitong club pero wala parin si Mr Sanchez. Akala ko ba sabi nila ay nandito yun tuwing byernes ng gabi? Kahit 32 na siya ay mahilig parin mag-club at gumimik daw yun eh.
Meron akong napansin na kakapasok lang. Agad siyang nilapitan ng mga babae at pumulupot agad ang mga braso nila sa kanya.
Siya nga yung nakita ko sa pictures. Siya si Mr Sanchez. Hindi ako nagkakamali dahil siya lang ang may itsura kumpara doon sa mga taong nakita ko sa files. Masama ba talagang tao 'to? Bakit mukha namang hindi ito kayang gumawa ng mali? Pero sabi nga nila, looks can be deceiving.
Tumingin ako sa mga kasama ko at tumango naman sila bilang pag sang-ayon na oras na para kumilos ako.
Agad akong tumayo. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Mr Sanchez na kasalukuyang nakikipagharutan sa mga babae.
Pagdating ko sa harap nila ay nagsalita agad ako. "Excuse me," pagkuha ko ng atensyon nila lalo na kay Mr Sanchez.
Tumingin naman sila sa akin.
"Yes?" tanong ni Mr Sanchez.
"Can I accompany you tonight?" pa-sweet na tanong ko.
"Excuse me! Kami ang nauna dito no," pagtataray sa akin ng isang babae na kasama niya.
"Oo nga. Pwede ba maghanap ka ng sayo? Amin na siya eh," sabi pa nung isa.
Hindi ko sila pinansin. Tumingin lang ako kay Mr Sanchez.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
ActionIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...
