Chapter 15: His Family

30.8K 947 37
                                    


"Ikaw naman kasi eh. Sabi ko naman sayo na sumunod ka lang sa plano. Huwag kang gumawa ng ikakasama ng loob ni boss. Tingnan mo tuloy, nakulong kapa dito." Tiningnan niya ako ng maigi saka sinabing, "At tingnan mo ang nangyari sa mga mata mo. Magang-maga. Mag make up ka nga!"

Tinalikuran ko si Tyron saka inayos ang sarili ko. Ngayon na kasi ime-meet ko ang parents ni Nathan. Kahit ayaw ko pumunta, wala naman akong chouce kung hindi ang sumunod kay Nathan.

Naglagay ako ng konting make up para hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa kakaiyak ko magdamag kagabi. Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari kahapon.

"Umiyak ka ba buong gabi?"

Tiningnan ko siya ng masama. Nakakainis din to eh. Halata na nga, magtatanong pa.

"Huwag kang magtanong kung alam mo naman ang sagot."

"Woah! Chill. Hindi mo ako kalaban, okay? Saka bilisan mo na nga diyan kasi naghihintay na si boss sa baba."

"Eh di maghintay siya dun."

"Tsk tsk. Iba ka talaga. Hindi ka ba natatakot kay boss?"

"May mas nakakatakot pa ba sa pinapagawa niya sakin?? Hindi ko kayang patayin ang kaibigan ko."

"Alam mo, hindi naman ganun kasama si boss eh. Siguro baka nasapul lang ang damdamin sa nakita niya—"

"Pwede ba, Tyron! Huwag mo na ngang e-build up sakin ang boss mo. Kahit anong sabihin mo, masama parin ang tingin ko sa kanya."

"Kung yan ang iniisip mo, wala akong magagawa." Napabuntong-hininga siya ng malalim.

Paano kaya kung humingi ako ng tulong kay Tyron para makaalis ako dito?

"Tyron..."

"Oh?"

"Pwede mo ba akong tu—" Ah wag na! Baka isumbong pa niya ako sa amo niya.

Magkakampi silang dalawa kaya sure ako na papanig siya sa boss niya. Mas matagal silang magkakilala kesa sa amin na konting panahon palang. Kahit mabait pa siya sa akin ay alam kong mas tapat siya sa boss niya.

"Pwedeng ano?" Tanong nito.

"Wala." Kinuha ko ang bag ko saka niyaya na siyang umalis. "Tara na. Baka umuusok na ang ilong nung isa." Natawa si Tyron sa sinabi ko. Lumabas na kami.

Pagkarating ko sa labas ay agad na binuksan ng guard ang pinto ng kotse para makapasok ako sa loob. Si Nathan ay nasa loob na at tahimik lang na nakaupo. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik habang bumabyahe. Hindi siya nagsasalita, as always. Tapos panay din ang kakapindot niya sa cellphone niya. Nagulat ako nung huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay na siguro ay ang bahay ng parents niya.

"Follow the things that I wanted you to do and don't do something stupid again," sabi nito saka lumabas na ng kotse.

Inirapan ko siya habang nakatalikod siya palabas ng kotse.

Sabay kaming pumasok sa malaking bahay at sumalubong sa amin ang napakagandang living room. Nakatayo sa gitna nito ang dalawang taong nakangiti sa amin.

"Dad. Mom," bati niya pero hindi man lang siya ngumiti sa mga magulang niya.

Nakipagbeso siya sa mommy niya at yumakap sa daddy niya. Naiwan lang ako dito sa pwesto ko na tinitingnan lang sila.

"How are you, Jonathan?"

"I'm fine, dad."

Napatingin sa akin ang mommy niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nahiya ako bigla kaya napayuko ako.

Welcome to the Mafia WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon