Chapter 21: Awakened

33.6K 978 108
                                        


Tyron's POV

A month later...

Isang buwan na akong busy. Paano naman kasi, halos lahat ng lakad at gawain dapat ni boss ay sa akin niya hinabilin.

Pag kailangan na siya talaga ang lalakad ay saka lang siya yung mag-aasikaso. Pero bibilisan niya lang at babalik na agad yun sa hospital. Doon na nga siya yata nakatira eh. Hindi na siya masyadong umuuwi sa bahay niya. Alagang-alaga niya si Nina. Halos hindi makahawak ang ibang tao kay Nina except sa doctor at nurses lang. Ayaw daw kasi niya kasi baka lumala ang situation ni Nina. Paranoid talaga si boss pagdating kay Nina.

Hayaan na nga. First time ma inlove eh.

Pero naaawa rin ako kay boss. Hindi kasi siya masyadong kumakain. Mas naging malungkot siya simula ma hospital si Nina. Wala parin kasi itong malay. Hindi namin alam kung kailan magigising si Nina.

Sina Madame at Sir Henry, madalas na napapadalaw din dito. Nagdadala ng bulaklak para kay Nina at pagkain na para naman kay boss.

"Hey, mister?" Naputol ang pag-iisip ko nung may kumausap sakin.

"Miss Gladys?" tanong ko sa babae.

"Yeah, and you are?"

"Tyron. Tyron Fernandez. Ako yung pinadala ni Boss Jonathan Travis dahil hindi siya makakapunta."

"Oh. I see."

Umupo siya sa upuan saka ako nag-umpisang ipakita sa kanya ang contract. Inexplain ko sa kanya lahat bago niya ito pinermahan. Madaling kausap naman pala si Miss Gladys Torre eh.

"Thank you, Miss Gladys. I'm sure our boss will be so happy about this."

"I know. Pero sana ay hindi ako magsisisi sa deal na ito, Mr. Fernandez," nakangiting sabi niya sa akin.

"Sinisigurado ko pong hindi," sagot ko.

"So..." Napatitig siya sa akin. "Can we have lunch together as new business partners?"

Lunch? Natawa ako sa isipan ko. Ganito na ba talaga ako ka gwapo para yayain agad akong mag-lunch eh kakakita palang namin? Ayoko nga. Lalo na parang may iba sa mga tingin niya. Hindi ko gusto ang tingin niya.

"Ah eh..." Nagdadalawang-isip ako kung anong palusot ang sasabihin ko.

"Oh come on, Mr. Fernandez. Don't be shy. It is just a friendly lunch. I am hungry and it is nice to have a company for lunch," sabi niya sakin. Ayoko sana pero wala akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil hinila na niya ako paalis.

* * *

Nina's POV

Ang bigat ng kamay ko. Ano bang nakapatong dito bakit mabigat? Dahan-dahang napadilat ako ng mga mata para tingnan ang kamay ko.

Si Nathan ba ito?

Nakahiga ang ulo niya sa kamay ko habang hawak-hawak niya ito. Kaya pala hindi ko ito magalaw. Bakit siya dito nakatulog?

Teka... Ano ang nangyari? Bakit nasa hospital ako??

"Nathan," tawag ko sa kanya. "Nathan..." Hindi parin siya nagising. "Nathan!" May kalakasan na tinawag ko siya.

Ayun! Nagising din.

Inangat niya ang ulo niya saka siya tumingin sa akin na nakakunot ang noo. Nginitian ko siya. Biglang nawala ang kunot sa noo niya at napalitan ng gulat.

"N-Nina?"

"Bakit parang gulat ka?"

"Is that... Are you... Y-You're awake!" Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. "You're really awake! Thank God! Thank you for waking up," paulit-ulit niyang sabi.

Welcome to the Mafia WorldMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon