Tyron's POV"How's the partnership with the Torre?"
"Ayos naman boss kaya lang ang anak nila ang naka-assign na makipag-deal sa atin. Nakakainis nga kasi halos araw-arawin ba naman ang pagkikita namin. Tama bang e-blackmail ako na iuurong niya ang deal pag hindi ko siya pinagbigyan? Gawan niyo naman ng paraan, boss. Kayo nalang ang mag-asikaso total magaling naman si Nina."
Naiinis na kasi ako sa babaeng yun. Simula nung kumain kami ng lunch, halos araw-araw niya na akong pinupuntahan. Tapos todo pa makakapit sa braso ko na parang tuko! Ang arte pa niya at masyadong sosyal. Ayaw ko pa naman sa mga maaarte!
Isang araw, nagyaya uli siyang kumain kami sa labas pero nagpalusot ako na busy ako pero nagyaya na naman siya ng paulit-ulit pero tumanggi parin ako kaya pinuntahan niya ako talaga ako sa opisina at pinagalitan pa ako at sinabing iniiwasan ko daw siya. Blinackmail pa ako! Aba matindi siya!
Umiling si boss sa akin. "I can't. Nina is not fully recovered yet. You know her, she is so stubborn and she needs to be watched most of the time. Just control your temper towards her, Tyron. We need their partnership. Just do your best. I know that you can handle her."
"Boss, kung alam niyo lang na higit pa sa trabaho ang pakay niya sakin. Ang landi niya, boss. Hindi ako komportable."
"Seems like you found your match," nakangiting sabi ni boss. Teka... Hindi kaya okay na sila ni Nina kaya ayaw pa muna niyang bumalik sa trabaho?
Nakangiti pa talaga siya eh. Nadadalas na ang pagiging good mood niya. Tsk. Porket luma-lovelife!
"Pero boss huwag niyo akong sisisihin pag naubos na ang pasensya ko sa babaeng yun ha? Nasabihan ko na kayo kaya pag ako napuno sa babaeng yun, hindi na ako—" Teka nasaan na si boss?
Tumingin ako sa buong silid pero wala na siya. Umalis siya ng hindi ko man lang napapansin. Tsk tsk tsk!
Lumabas ako para habulin siya. Wala naman kasi akong gagawin ngayon eh kaya susunod nalang ako sa kanya saka ayaw ko pumunta sa opisina ni boss dahil baka nandoon na naman ang babaeng yun.
Nadatnan ko si boss na nasa garden. Anong ginagawa ni boss sa garden e hindi naman namamasyal yan dito noon? Humakbang pa ako at lumapit pa lalo kung saan siya.
Kaya naman pala nandito... Kasama pala niya si Nina. Nag-uusap silang dalawa at nagngingitian pa! Tapos biglang sumimangot si Nina siguro ay may sinabi na naman si boss na kinainis niya pero si boss ay nakangiti lang. Naninibago ako kay boss ngayon. Masyado na siyang masayahin. Naging mabait na din siya kumpara noon. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Napangiti ako. Nagtagumpay ako sa plano kong palapitin silang dalawa sa isa't-isa. Tama nga ako na may gusto sila sa isa't-isa. Hindi man nila nasabi noon pero sigurado ako ngayon na unti-unti na nilang nadi-diskubre ang nararamdaman nila. Obvious naman kasi sa mga galaw nilang dalawa.
Nagdidilig na si Nina ng mga halaman. Si boss naman ay walang ginawa kundi ang magpapansin at asarin si Nina.
"Sir Tyron."
Napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Oh?"
"May bisita po sa labas. Hinahanap po kayo. Gusto nga pong pumasok pero sabi ko ay tatanungin ko muna kayo."
"Ako na ang bahala." Tinapik ko siya sa balikat saka naglakad na ako papunta sa gate kung saan ang bisita na sinasabi niya.
Lumabas ako ng gate at nakita ko na naman ang taong gusto kong iwasan. Sana pala hindi na ako lumabas dito at hinayaan nalang siyang maghintay dito magdamag.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AksiIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...