"Bakit kailangan pa ng ganito? Ano ako prinsesa??" reklamo ko.Paano ba kasi ilang oras na akong nag-aaral at nagpra-practice. Sa pagkaka-alala ko, hindi naman prinsesa ang pinasukan ko.
Ang dami nilang tinuro sa akin. Una, tinuruan nila ako kung paano magdamit at gumalaw na pang mayaman. Hindi ako marunong mag-make up kaya tinuruan din nila ako kung paano. Pangalawa, tinuruan ako ng dining etiquette, kung paano gamitin ang iba't ibang klase ng silverwares at kung ako pang nasa mesa. Pangatlo, tinuruan akong magsalita ng maayos na English.
Marunong naman akong mag-English pero yung gusto nila ay pati pagsasalita ay dapat tunog mayaman. Kung minsan nakaka-insulto na talaga yang boss na yan. Akala ata niya ay wala akong pinag-aralan dahil kinailangan ko pang turuan ng mga ito.
"Miss, kailangan niyo pong mag-cooperate. Kanina pa po tayo nandito pero ni isa sa tinuro ko sainyo ay hindi niyo sineseryoso. Ako po ang mapapagalitan pag hindi po kayo natuto ng maayos," sabi ng nagtuturo sa akin. Tutor ko daw kasi siya.
"Eh di pag pinagalitan kayo, ituro niyo nalang ako. Saka sineseryoso ko naman eh, mahirap lang talaga ang mga tinuturo niyo kaya hindi ko magawa ng tama. Hindi ako sanay sa mga turo niyo. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang tinuturo niyo kasi hindi ko kayang umakto bilang isang taong hindi naman ako. Parang nakaka-insulto sa akin ang pinapagawa niyo," nagtitimping sabi ko.
"Kung ganon po, miss, huwag po kayo sa akin magreklamo kundi kay boss. Sumusunod lang naman po ako sa sinabi niya sa akin na ituro sainyo."
Ayan na naman tayo sa sumusunod kay boss na linya na yan. Araw-araw nalang ay yan ang sinasabi nila sa akin.
Kasalanan talaga nung snatcher na yun kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Pag nakita ko ulit siya, lagot talaga siya sakin. Makikipagpalit ako sa kanya dito.
"Ayaw ko na. Pagod na ako," sabi ko sakanya tapos tumalikod na at bumalik sa kwarto ko.
"Miss!"
Hinahabol nila ako kaya binilisan ko. Sinarado ko agad ang pinto nung makapasok na ako sa kwarto.
Humiga ako sa kama at binaun ang mukha ko sa unan. Gusto kong umiyak at magalit pero pinipigilan ko kaya ang sakit sa dibdib. Wala namang magagawa pag umiyak o magalit ako dahil hindi naman sila maaawa sa akin. Hindi nga sila nakikinig sa akin.
Ang hirap ng ganito. Hindi ko alam kung makakauwi paba ako sa mga magulang ko o habang-buhay akong makukulong dito hanggang sa mamatay ako.
Tuluyan na akong naiyak dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Kung sana ay nandito lang sina mama at papa para pagaanin ang loob ko. Sila lang kasi ang magaling magpagaan ng loob ko tuwing nalulungkot ako.
Sa ilang araw kong pamamalagi dito, wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto na ito, kumain, manuod ng TV, maligo, matulog at magpahangin sa balcony. Si Sanny at Gloria lang ang madalas kong kausap araw-araw. Maganda nga itong lugar na tinitirahan ko pero hindi naman ako nag-e-enjoy. Wala din ako kalayaan na gawin ang gusto ko. Lahat nalang ay ang gusto nila.
Ilang araw kong hindi nakita ang nakakatakot na boss nila. Minsan ay tinanong ko ang katulong kung nasaan siya pero wala daw siya sa bahay at hindi nila alam ang mga lakad nito. Sa totoo lang, okay sa akin na wala siya dito. Nakakatakot kaya yung lalakeng yun. Nagtanong lang ako dahil curious ako kung nasaan siya at kung ano ang trabaho niya dahil madalas siyang wala dito sa bahay niya. Gusto ko na din malaman kung bakit may mga baril ang mga tao dito sa bahay at nakakatakot sila. Ang dami pa naman nila. Sa bawat sulok ng bahay ata ay may nagbabantay kaya hindi ko magawa ang gusto ko baka may magawa akong mali at tutukan agad nila ako ng baril.
Ilang oras akong nakahilata sa kama dahil wala naman akong gagawin. Nakakabagot na dito. Sana makalabas na ako.
Ilang sandali ay bigla akong napabangon dahil sa sobrang gulat nung malakas na bumukas ang pintuan nitong kwarto na tinutuluyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/41093065-288-k679213.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Mafia World
AcciónIf you think your life is some sort of a fairytale -you are a princess and waiting for your prince charming to come. Well, think again. The real world is not only composed of good people, you are lucky if you meet those people. But what if the bad...